A
Hindi ako makapaniwala ang tanga niya.Kahit siguro ilang beses siyang mamatay ay maaalala niya pa din yang mortal na yan.Nasa yugto na siya kung saan dapat ay makalimutan niya ang lahat tulad ng lahat ng namamatay.Pero hindi,nagawa niya pang banggitin ang pangalan ng mortal.Kaya ayokong maging tao.Napakahangal nila.Ngunit wala din akong magagawa dahil dito sa misyon kong ito ay unti-unti akong nagiging tao at nawawala lahat ng kakayahan ko habang lumilipas ang mga araw.Hirap na hirap na siya.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ang mga tao.Handang saktan ang mga sarili upang mailigtas ang mga kapwang mortal.Na wala talagang kwenta kwenta dahil lahat ng mortal ay may itinakdang oras kaya bakit pa ba nila ito pipigilan?Hindi mo mapipigilan ang tadhanang naghihitay sa bawat isa kaya kahit sino ay walang karapatan na harangin ang naghihintay na tadahana sa bawat isa.
"AAhh!" si Cass iyon.Sigurado akong napakatinding sakit ang nararanasan niya ngayon dahil wala nang mas masakit na madarama pa sa mamatay at isipin niyo na lamang,Napaka swerte ni Cass?Kahit ilang beses ay maari siyang mamatay ngunit nabubuhay ulit.Sa kahangalan ni Cass na handang ibigay ang buhay niya para doon sa mortal na iyon.HIndi imposible na maulit ito muli.Hindi ako makapaniwala na hindi din nga talaga nagbabago ang ilang mga bagay.
Gusto ko siyang lapitan.Matinding pagdurusa iyang nararanasan niya.Kasama pa ng bigla biglang pagbalik ng mga alaala niya at sigurado na babalik din ang alaala niya mula sa nakaraan niya ngunit mukhang magugulo lamang ang mga ito sa utak niya.DAHil nga sa biglaan din ang pagbalik ng mga ito
Hindi ako makikialam sa tadhana na naghihintay sa mga mortal...
Ngunit tila nagkilos mortal na napakahangal ang mga paa na siyang unti unting humakbang patungo kay Cass.
Isang beses lamang ito...Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat ni Cass na siyang namimilipit pa din sa sakit na nararamdaman.Naramdaman ko ang paginit ng dibdib ko na ilang sandali lamang ay tila may nagliliyab sa loob nito.Napasapo na lamang ako sa dibdib ko.Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon.Hindi ako makapaniwalang niligtas ko si Cass....
San na naman ba kasi sila pupunta?!Nakakapikon na ah!
Ok lang yan...ilang araw na lang toh....
Pero hindi na talaga ako natutuwa sa trabaho ko.Kailangan kong sundan si Cass hangang masundo na siya.
Ilang sandali lamang ay nakarinig ako ng mabilis na yapak.
"Are you ok?!" ang mortal.Naiinis ako dahil hindi ko maitanong iyon kay Cass.Ako dapat ano nagtanong nun sa kaniya.Ang sakit ng dibdib ko!
Napagisipan ko munang pumunta sa condo na tinutuluyan ko dito sa mundo ng mga tao.Ang dilim!kinapa ko hanggang sa maabot ko ang kama ko.
Napakatinding sakit ang nararanasan ko ngayon.Hindi rin ako makabalik sa taas dahil hindi daw iyon maaari hangga't hindi pa tapos ang misyon ko.
"AAAAAAHHHHHH!!!!!!" napasigaw na lamang ako sa sobrang sakit dahil wala na akong magawa kung hindi mamilip sa tindi ng sakit.Tila nagliliyab ito.Isa na din sigurong senyales ito na unti-unti na akong nagiging tao dahil hindi pa ako nakararanas ng ganito katinding sakit.Bakit ko ba siya iniligtas?!Ang mga Angel of Death kasi o mga tagapagsundo ay hindi lamang puro kamatayan kung hindi mayroon din kaming kapangyarihan na ipasa ang enerhiya at humigop nito.Sa madaling salita ay makuha ang mga pasakit o iba pang mga bagay.Oo tama,nasa katawan ko lahat ng sakit na nararanasan ni Cass kanina.Ang sakit na isang taong namamatay lamang ang makaranas.
"Shit!!" naiinis ako dahil hindi ko na gusto lahat ng ginagawa ko.Una,bakit nga ba ako nagligatas ng isang mortal?!pangalawa,may kakaiba akong nararamdaman na tila may kumikirot sa dibdib ko ngunit sigurado akong hindi na iyon mula sa enerhiya na nakuha ko kanina.Hindi tama na magalit ako sa isang mortal.Dahil napakababang uri nila kompara sa akin!
BINABASA MO ANG
Undestined
HumorAng sabi nila kapag nakatadhana na daw ang isang bagay wala ka nang magagawa.......pero nasa iyo ang desisyon kung iiwasan mo ito o haharapin mo na lamang ang mga maaring mangyari Wala akong pakialam sa hinaharap na nagaabang sa akin pero ipangako m...