How to deal with Reality?

0 0 0
                                    

Reyalidad. Isang mundo kung saan ang lahat ng bagay ay nagaganap. Ika nga nila, "totoong buhay". Mundo kung saan kailangan mong maranasan ang lahat. Lahat-lahat. Saya. Sakit. Pagluha. Pagkamangha. Pagdadalawang-isip. Ito 'yung mundo kung saan kailangan mong gumising ng maaga para maghanap-buhay. Babangon ng madaling araw para maghanda sa pagpasok sa eskwela. Dahil ito 'yung reyalidad. Reyalidad na kung saan wala kang aasahan na iba kung hindi sarili mo lang.

Gigising ka ng alas sinco y medya sa umaga. Maghahanda ng kakainin, pampaligo, bihisan at kung ano-ano. Kailangan mong makipagbuno sa siksikan na pampublikong sasakyan. Aalis ka ng bahay na mukhang tao, darating ka sa paroroonan mo na amoy mandirigma. Ito 'yung reyalidad. Kung saan ang lahat ng bagay na gugustuhin mo, dapat mong paghirapan. Gusto mong magkapera? Magtrabaho ka. Gusto mong makatapos at makahanap ng magandang trabaho? Mag-aral ka. Gusto mong mag-aral? Pumasok ka sa eskwela. Gusto mong pumasok sa eskwela? Kumilos ka. Lahat ng bagay na gagawin mo, may kapalit. At kapalit ng mga ginagawa mo maaaring magdulot ng magandang bagay sa'yo. Pero 'wag kang pakasisigurado. Hindi lahat ng bagay na gusto mo, makukuha mo.

Noong mga bata pa tayo, lagi tayo nakakabasa ng mga kwentong imposible. Oo, imposible. Bakit? May isang dalagang inaalipusta ng kanyang madrasta, gustong pumunta sa isang pagtitipon ngunit hindi naman siya pinayagan. Dumating ang kanyang "fairy god-mother", ginawang karwahe ang kalabasa, kutsero ang daga. Binihisan siya sa isang iglap. Pumunta sa sayawan, nakita ng isang prinsipe, nanakbo, naiwan ang sapatos na gawa sa salamin. Ipinahanap siya, natagpuan at ang pamatay na pangungusap, "And they live happily ever after".

Okay sa olrayt. Pero sa reyalidad. Walang gano'n. Oo, may madrastang nang aalipusta. May ninang ka, pero hindi siya diwata. Tutulungan ka niya pero may hangganan. Makakahanap ka ng lalaking magmamahal sa'yo pero hindi biglaan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 19, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Everyday ThoughtsWhere stories live. Discover now