"Thomas." Bati nang intern namin na si Miss U, short for Miss Eula Uy, which is crush ni Tom."You're here?" Medyo surprised si Ms. U.
"Ah.. eh." Napatingin si Tom sa kuwarto. Nakita niya ang ibang studyante na nagbubuhat nang mga libro. Ngayong araw nga pala ang paglilipat ng silid aklatan nang eskuwelahan namin.
"I'm actually here to lend a hand Ma'am." Mabilis ding mag-isip nang palusot itong si Tom. Sa totoo lang kasi kaya siya napunta sa lugar na iyon dahil sa nasilayan niya ang kagandahan ni Ms. U at hindi niya namalayan na sinundan na pala niya ito.
"That's great!" Ngumiti na naman si Ms. U. Ang ngiti niya ay tila isang maningning na bituin na kapag iyong nasilayan ay tunay kang mapapatula sa kariktan nitong taglay.
"Thomas?" Ms. U's wondering what's happening to Tom. Lumipad na naman kung saan ang kamalayan nito.
"Thomas?!" Unti unti nang narinig ni Tom ang mga tunog nang realidad. Ang ihip nang hangin, pagaspas ng mga dahon, huni nang mga ibon, usapan nang mga estudyante at ang tinig nang pinakamagandang nilalang para sa kanya.
"Yes Ma love?" Biglang sambit ni Tom.
"Yes Ma'am?!" Mas nilaksan ni Tom ang pagkakasambit niyon hoping na matabunan o maidisregard ni Ms. U yung una niyang nasambit.
"Thomas, medyo nakahara ka na kasi sa daanan." Sambit ni Ms. U.
"Sorry po Ma'am, sige po tutulong na po ako sa loob." Ngumiti si Tom tuloy pasok sa loob nang silid.
"Hi, I'm here to help." Bati ni Tom.
"Hi." Bati nung isang babae. Doon napagtanto ni Tom, si Jessy pala iyon.
Ngumiti si Tom tapos luminga linga ang kanyang paningin.
"O bat ganyan ka makatingin? Papalag ka ba?" Tanong ni Tom sa isang lalake.
"Ah, hinde fafa Tom... Ah hindi classmate." Sagot nung lalake.
"Good. Tara na nang matapos kaagad ito." Kung umasta si Tom kala mo siya ang may pasimuno sa ginagawa nila.
"Guys, alis na muna ako. May meeting pa nga pala ang faculty." Sambit ni Ms. U
"And I thought makakasama pa kita nang matagal tagal. Well, sabi nga nila, good things never last, parang bonding lang natin." Mangiyak ngiyak si Tom habang binubulong ang kanyang hinaing habang papalayo na si Ms. U.
"Huh?" Biglaang nagtaka si Tom paglingon niya.
"Hindi ba limang babae kayo Jessy?"
"Oo nga." Lumingos lingos si Jessy.
"Bakit ikaw na lang ang kasama ko? " tanong ni Tom.
"Umm... Kasama niyo pa ako." Sambit nung lalake.
"Andyan ka pala." Ngiting bati ni Jessy na tila ngayon din lang niya napuna ang lalake.
"Bakit biglang nawala ang mga kasama natin?" Tanong ni Tom.
"Nadyokot, este natakot ata sila sa iyo fa... Ah Tom." Sagot nung isang lalake.
"Hindi ikaw ang tinatanong ko." Akmang uumbagin na ni Tom ang lalake.
"So..sorry.." sambit nung lalake na kumaripas na nang takbo palayo.
"Na..naubos na sila." Malungkot na tinig ni Jessy.
Noon napagtanto ni Tom ang kamalian niyang nagawa.
"Don't worry Jessy. Reliable naman ako. Kayang kaya ko lahat ilipat yung mga libro. Gusto mo pati mga estante." Tom sounds very assuring.
BINABASA MO ANG
School: RIOT!
RandomJust a random story about random guys and gals. Just enjoy and don't mind the plot. The Author's head is somewhat deranged and can't decide on what to do with this story. So bear with me please. - The Voice inside my head.