Three

75 5 0
                                    


"Jess!" Bati ni Tom sabay upo sa upuan na nasa harap nang table ni Jessy.

"To....To...Tom. Good morning." Napakapormal bumati ni Jessy. Mukhang tunay nga na nagpapaggap lang silang mag-on nitong bestfriend ko.

Oo nagkasundo pala ang dalawang ito na magpanggap na mag nobyo sila. Sabi ni Tom part yun nang plano para mapalapit ako kay Jessy. Ayaw nang sabihin pa ni Tom ang ibang detalye kung paano sila humantong sa ganoong arrangement. Ang mahalaga daw ay may chance ma ako to get closer to her.

"I have some good news." Napakalawak nang ngiti ni Tom.

Nakatingin lang si Jessy na tila sabik sa ibabalita.

"Tanggap na niya tayo." Sambit ni Tom.

Napamulaga naman si Jessy at batid ang kasiyahan sa hitsura niya.

"Talaga?" Tanong pa ni Jessy.

"Um.. Totoo iyon." Napapakamot pa ako sa ilong nung maisipan ko na sumingit sa kanilang usapan.

"I'm happy." Sambit ni Jessy.

Lakas loob ko namang iniaro ang aking kamay.

"Sana bukas pa yung offer mo." Sambit ko.

"Friends?" Tanong ko. Inabot na din niya ang kamay ko.

"Friends." Nakangiting sambit niya habang dinarama ko ang lambot nang kamay niya. Perla siguro gamit niya. Hay, may hihigit pa ba sa nararamdaman kong kaligayayan ngayon?

Bigla naman niyang hinigit ang kamay ko kaya napalapit ako sa kanya.

Oh my gus! Tama ba itong nangyayari? Niyayakap niya ako. Ang lambot.. Ang lambot nung bagay na tumutuon sa ibaba nang dibdib ko.

"I'm so happy." Sambit niya habang napapahigpit ang yakap niya sa akin.

Ang bango nang buhok niya. Inamoy amoy ko pa ang bumbunan niya. Jusko, eto na ba ang tinatawag nilang langit? Parang hindi totoo, parang panaginip, tila isa akong ibong lumilipad sa ibabaw nang mga ulap.

-Que in the OTWOL theme song.-

"Ah friend?"

"Yes, friend?"

"Okay ka lang?"

Kanina pa pala nakakalas sa yakap si Jessy.

"Huh? Ahh.. yes friend." Sagot ko.

"Dumudugo kasi yung ilong mo." Sambit ni Jessy.

Kaagad ko namang hinawakan ang ilong ko. Basa at malagkit. Tiningnan ko at sinuri, dugo nga.

"Samahan na kita sa clinic." Alok ni Jessy.

Medyo nanlaki ang mga mata ko.

-Sa clinic?-

Maraming pwedeng mangyari sa aming dalawa sa loob nang clinic. Lalo na kung iiwanan kami nang nurse doon. Ooh I can't wait to go inside the clinic. You could imagine a devil grinning behind me.

"Tara." Sambit ko at inalalayan naman ako ni Jessy.

"Sama ka Tom." Pag-aaya ni Jessy.

Tumungin naman ako nang masama kay Tom. Umibo ibo ang kilay at mata ko

(Huwag kang magkakamaling sumama. Kung hindi, babalatan kita nang buhay.)

Umibo din ang mga mata at kilay ni Tom.

(Wala akong balak sumama. Si Ms. U ang magtuturo ngayon. Ayaw ko aksayahin ang oras na dapat magkasama kami.)

Akalain mong parang telepathy at nagkaintindihan kami.

School: RIOT!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon