"Would she able to like my gift?" napangiti ako habang kinakausap ang sarili ko sa loob ng sasakyan. Napatingin ako sa isang rectangular box na nakapatong sa front seat katabi ko at agad binalik ang tingin ko sa harapan.
Nang makita kong naka-green na yung traffic light, pinaandar ko na ulit ang kotse ko.
"I need you, girl.." swabe pa akong kumakanta habang nagdadrive papunta sa restaurant na pagkikitaan namin ni Ara, girlfriend ko since first year high school. Actually, this is not just a normal date kasi we'll celebrate our 7th anniversary.
I was supposed to propose tonight pero napag-isipan kong bata pa kami sa edad kong 20 at sya naman, 19 years old palang para ikasal. At sa tingin ko, hindi pa rin kami ready.
Napasulyap ako ng konti sa cellphone kong tumunog at umilaw dahil sa text message. Kinuha ko 'yun at tiningnan kung kanino galing.
From: Ara
Babe, I've received a message from Mom and may emergency daw sa house. Wag kana tumuloy sa resto, ha. I'm on the way na rin kasi. Sorry.
Magtatype dapat ako ng reply at sasabihing ayos lang pero narealize kong nasa madilim na parte na pala ako ng kalsada at masyadong delikado dahil bukod nga sa walang nga poste man lang ay malalim na bangin ang nasa bandang kaliwa. Ang dami na daw naaksidente dito sa lugar na 'to.
Tumunog ulit ang cellphone ko na nasa hita ko kaya kinuha ko agad yun at binasa ang mensahe.
From: Ara
Huy David, babe. Are you mad at me? Sorry talaga. Babawi ako. Happy 7th year of love and I love you so much. Wag kana magtampo. Reply pls.
Di ko na napigilan at napangiti nalang ako ng wala sa oras. Gamit ang kanan kong kamay, mabilis akong nagtype ng reply para kay Ara.
To: Ara
It's alright, babe. Ang daming next time oh. Happy anniversary and I love you mo
Hindi ko na natapos ang pagtitipa dahil isang nakakabinging busina at nakakasilaw na ilaw nalang ang bumulaga sa akin pagtingin ko sa harap.
Huli na para makakilos ako dahil sa sobrang lakas ng impact nang makasalpukan ko ang sasakyang nasa unahan ko. Tumama ang noo ko sa manibela at kasabay ng pagpikit ng mga mata ko ay ang pakiramdam na nahuhulog.
Bumalik sa isipan ko ang lahat ng ala ala ko sa nakaraan, para bang isang malabong movie na minamadali. Nagsimula sa pag-iwan samin ni Daddy, ang pag-iyak ni Mommy gabi gabi, yung unang pagkikita namin ni Ara, kung paano ko sya niligawan at minahal ng sobra, kung paano ako nagpeperform sa harap ng maraming tao kasama ang kabanda ko, kung paano namin naabot ang tuktok ng kasikatan, mga masasayang ala ala na parang kinukuha sa akin ngayon.
Sobrang bilis ng pangyayari pero parang naging slow-mo ang lahat. Isang malakas na pagbagsak nalang na hindi ko kinaya ang huli kong naramdaman bago magdilim ang lahat.
— m i n z r r y n —
BINABASA MO ANG
Possessed Lover | JJK & PJM
ParanormalDavid Zulueta. Dalawang salita ngunit napakaraming kahulugan. Gwapo, matalino, mayaman, mapagmahal, talented, responsableng anak, perfect boyfriend at marami pang iba. Ngunit dahil sa isang aksidente, nahiwalay ang kanyang kaluluwa at kinakailangang...