Five Day Heartbreak (Short Story)

47 2 0
                                    

"Bie, pumayag ka na kasi.. pleaaaaaase?" Haaaay nako, ang kulit mong nilalang ka. Nakakainis. Umalis ako sa harapan niya at nagsimulang maglakad papalayo.

"Bie naman e! Konting favor lang naman yun. Bakit ba ayaw mo pumayag ha?" Sabi niya habang sinusundan niya ako. Ang dami na tuloy nakatingin sami, nakakahiya. -___-

Nagpatuloy naman siya sa pagsasalita. "Dali na! Friends naman tayo diba? Best friends pa nga e!" Yun nga e! Friends nga lang kasi tayo kaya ayoko! Nakakainis na siya kasi nasasaktan na ako. Palibhasa hindi niya nararamdaman yung nararamdaman ko kasi wala naman yang gusto sakin, may pinagseselos lang yan. Si Summer.. :(

Si Summer. Ang anghel ng IV- Saturn. Sabagay mukha naman talaga siyang anghel. Hindi lang sa mukha kundi pati na rin sa ugali. Kaya hindi na rin ako magtataka kung bakit ang daming nagkakagusto sa kanya. Isa na run si Ken. Ang bestfriend ko. Sabagay, ex naman ni Ken si Summer. Patay na patay nga siya kay Summer samantalang ako, patay na patay sa kanya.

Oo, may gusto ako kay Ken. Matagal na. Alam kong mali, pero may magagawa ba ako para mawala yung pagkagusto ko sa kanya? Hindi ko na nga siya gaanong pinapansin kasi sa tuwing kakausapin niya ako, puro na lang Summer. Si Summer ganyan, si Summer ganito. Kaya napapagod na ako kakapakinig sa kanya.

Hinila ako ni Ken papalapit sa kanya. Magkalapit na tuloy mga mukha namin. Oh shemay, yung puso ko abnormal na naman ang tibok. Ramdam kaya niya? Ganun din kaya nararamdaman niya? Nako, wag na akong umasa. Malabo.

"A-ano ba, bitiwan mo nga ako!" Sabi ko sa kanya habang kumakalas sa pagkakahawak niya kaso mahigpit e tsaka mas malakas siya sakin.

"Barbie naman e. Please? Gawin mo naman to para sa akin. 1 week lang naman talaga. Kapag walang nangyari, susuko na ako promise." Seryosong sabi niya. Naaawa ako sa kanya pero mas naaawa ako sa sarili ko. Alam mo yun? Pero wala akong magagawa, bestfriend ko to kaya ige na.

"1 week lang ha. Tsaka ipangako mo sakin na kapag walang nangyari, move on ka na ha. Pasalamat ka bestfriend kita."

He smiled. "Yey! Maraming salamat bestfriend! Kaya mahal na mahal kita talaga e. Hayaan mo, ililibre kitang ice cream. Kahit ilan pang gusto mo.." Sabi niya habang niyayakap ako. Sana yang mga yakap niya iaba yung meaning..

"Oo na. Tara na sa room?" Hinawakan niya lang yung kamay ko at pumunta na kami sa room.

*First Day..

"Barbie! Nanjan si Ken sa labas, bumaba ka na!" sigaw ni Mama. Si Ken? Dali-dali akong bumaba para puntahan siya.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya. Dala-dala pala niya yung sports car niyang red. Alam na alam niya kasing gusto kong sumakay dun e.

"Para sunduin ang girlfriend ko shempre.." sabay kindat sa akin. At pa-cute pa ha? Ts.

"Tara na nga lang, baka malate pa tayo. Alis na kami Ma!"

-

School..

"Bie, salamat talaga ha? Malaki na utang na loob ko sayo.." sabi sakin ni Ken. Ngumiti na lang ako sa kanya. Wala ako masabi e. Haha.

Pagkapasok namin sa room, lahat ng kaklase ko naka-pula. Bakit naman kaya?

"Hmm Ken, bakit sila nakapula?" tanong ko kay Ken.

"Hindi ko din alam e." nakangiting sabi ni Ken. Parang may something. Tsaka wala si Summer. Nasaan kaya yun?

After 10 minutes, dumating na din si Summer. Biglang nagsitayuan yung mga kaklase kong mga naka-pula habang ako e nakatunganga at naguguluhan sa kanila..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Five Day Heartbreak (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon