Chapter 5.1 🌸

705 18 0
                                    

"ROSES for a beautiful lady," nakangiting sabi ni Devlin sabay abot sa kanya ng tatlong kulay puting rosas.

"Salamat," nakangiting sabi niya dito.

"Saan mo naman ito pinitas?" takang tanong niya dito.

"Sa flower farm galing ang mga rosas, gusto mo bang mamasyal?" tanong nito.

Namilog ang mga mata niya sa narinig. "Hay salamat, akala ko wala ka nang panahon sa akin," kunwari'y reklamo niya. "Isasakay mo na namn ako sa kabayo?" pabiro niyang tanong dito.

"Hindi na, baka mahulog ka uli, Sisihin na ako ng big brother mo," tukoy nito sa kanyang Kuya Sky.

"Saan mo naman ako dadalhin?" ulit niyang tanong.

"Sa flower farm. Ipapakilala ko sa iyo ang pangalawa kong kapatid. Siya ang namamahala doon." sagot nito.

"Si Revo ang pangalawa mong kapatid di ba?" tanong niya dito.

"Oo, sa kanya ko ipinamahala ang flower farm." agad na sagot nito.

Napatango siya. Bigla siya nakadama ng pananabik na makilala ang sinasabi nitong pangalawang kapatid.

___________________§§§__________________

LAHAT AY NAPATINGIN sa kanila ni Devlin nang bumaba sila ng sasakyan. Buhat-buhat kasi siya ng binata at siya naman ay nakakapit sa leeg nito.

Sumalubong sa kanila ang isang babae at lalaki. Inilapag siya ni Devlin sa isang mahabang upuan.

Lumapit sa kanila ang isang matangkad na lalaki. Tulad din ni Devlin ay moreno din ito pero kakaiba ang taglay nitong karisma. Parang nakangiti ang tsinitong mata nito. Unat ang buhok ni Devlin pero ito naman ay meydo kulot. Magkahawig ang dalawang lalaki sa ilong at labi. Pareho ding pangahan ang mga mukha.

Tulad ni Devlin ay guwapo ito pero para sa kanya mas higit na guwapo ang binata kaysa sa lalaki.

"Sino ang maganda nating bisita, Kuya?" nakangiting tanong ng lalaki kay Devlin.

Ngumiti ng malapad si Devlin at inakbayan siya. "Lilac, I want you to meet my brother Revo," pakilala sa kanya ng lalaki. Bumaling naman ito kay Revo. "Revo, I want you to meet my special friend, Lilac Salcedo."

Inilahad ni Revo ang kanang kamay sa kanya upang makipag-shakehands. Tinanggap niya iyon.

"Nice meeting you, Revo," nakangiti niyang sabi dito.

"Me too, Lilac," sabi nito na ang mga mata ay hindi inaalis sa kanyang mukha.

✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️

M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.

LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon