panimula

56 6 1
                                    


Hindi ko alam kung bakit
sa tuwing ako'y magsusulat
nahihirapan akong simulan
ang unang pangungusap.

Maraming mga salita
ang nakapila sa aking isipan-
naghihintay na mag-alab 
sa paglapat ng dulo ng biro sa papel.

Subalit hindi ko mawari kung bakit
pagdating sa'yo--mga salita'y nauubos
at ang dating nagbabaga na dila 
ay tila nabuhusan ng tubig.

Hindi ako makapagsalita at
ang aking mga kalamnan
ay nanginginig sa iyong presensya.

Sadyang ganyan ba kalakas
ang epekto ng iyong pagdating 
para mga salita'y maubos 
at dila ko'y manahimik?

Sadya bang puso ko'y
inangkin mo na, kaya pati
pag-iisip ko'y sinakop mo na rin?


O baka hanggang ngayon
kumakapit pa rin ako 
sa lubid na mapipigtas na--
na baka hanggang ngayon,


i k a w 

p a 

r i n

p a l a ?



Hindi ito para sa'yo. O para sa kanya o sa kung kanino man. 
Para ito sa mga taong umibig at nasaktan, mga nanatili at umalis,
mga naka-alala at nakalimot. Mga simpleng handog: aking mga tula,

sa iyo.

sa iyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
NAWALA KA NA NAMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon