Kabanata 1

40 3 2
                                    

#PossessedLover

Second Casualty

"Nasaan ako?" tanong ko sa sarili ko habang palingon lingon sa madilim na paligid.

Napakaraming puno at napakalamig ng hangin. Where the hell am I? Ang natatandaan ko, nagdadrive ako papunta sa resto.. papunta kay Ara. Tapos eto. Nandito na lang ako bigla.

Naglakad lakad ako habang iniisip kung ano bang nangyari. Damn. Na-engkanto ba ako? Is that even real?

Napasapo ako sa noo ko nang maalala ko si Ara. Heck, it's our 7th anniversary for whoever's sake and it's unreasonable na hindi ko sya masisipot. I took a glance on my watch but to my surprise, naka-steady lang 'yun in exact 9 pm. Ngayon pa ba masisira 'to?

Binilisan ko pa lalo ang paglalakad kahit hindi ko alam kung saan papunta 'to. Napatingin ako sa gilid at ngayon ko lang narealize na nandito pala ako sa Patre Road, bangin ang nasa gilid at wala man lang kahit anong ilaw.

Malayo layo na din ang nalalakad ko. Hindi ko alam ang direksyon kung saan ako pupunta. Malakas lang yung loob ko na dumaan dito kasi bukod sa short cut, I have Waze app. Pero ngayon, I don't have my car and even my goddamn phone. Unti unti ko nang natatanggap na naliligaw ako hanggang sa nakarinig ako ng mga ingay. Halo halong ingay, sigawan, tunog ng sirena ng police mobile, fire truck, ambulance.

Patakbo kong tinungo 'yun at mula dito sa kinatatayuan ko, kitang kita ko ang kaguluhan pero isang bagay lang ang nakapukaw sa buong atensyon ko.

"Ara!" I ran as fast as I could hanggang sa nandito na ako sa harapan ng wasak na kotse ni Ara na halos di na makilala, bukod sa sira sira na ito, natumbahan pa ng puno na halatang doon ito nabangga. Nakilala ko lang dahil sa plate number nya. "A-Ara" may mga volunteer na na naglalabas sakanya ng paunti unti mula sa kotse nya. "Be careful, dahan dahan lang." sabi ko sa mga iyon.

Gusto kong tumulong pero baka mapano pa sya dahil wala akong alam sa ganoon. Tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. This was supposed to be the happiest night ever. This night is so special to the both of us and we wanted to celebrate it in the most special and unforgettable way yet ito ang nangyari.

"D-D-David.." hinawakan nya pa ang pisngi ko bago sya mawalan ng malay habang karga karga sya ng mga nurse at ipinapasok sa ambulansya pero laking gulat ko nung tumagos lamang ang kamay nya sa pisngi ko at nakaramdam lang ako ng lamig.

Pumasok na din ako sa loob ng ambulansya ng maihiga na si Ara sa loob nito. Kasabay ko ay ang mga nurse din na todo check sakanya. Punong puno ang mukha nya ng dugo at namantyahan na ang puting puti nyang dress. I don't want to see her like this. Kahit makagat ng lamok, ni ayokong iparanas sakanya. Bakit kailangang mangyari 'to? I just want to close my eyes pero natatakot akong kapag ginawa ko 'yun, mawawala na sya ng tuluyan sa'kin.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya pero tumagos lang din ito kagaya ng nangyari kanina. What the fuck? What the hell is happening?

Nagsimula ng umandar tong sinasakyan namin at ang sirena ng ambulansya at nagkakagulong mga nurse nalang ang naririnig ko.

Sinubukan ko ulit hawakan ang kamay nyang may nakapasak na kung ano pero tumagos lang din ito kasabay ng naramdaman kong lamig mula doon.

"Nurse, okay lang ba siya? Tell me, magagawan naman 'to ng paraan 'di ba?" tanong ko sa nurse na katabi ko pero parang wala lang siyang narinig at nagpatuloy sa ginagawa. "Nurse," sabi ko ulit dahil baka hindi nya lang ako napansin pero parang wala talaga syang naririnig kaya kakalabitin ko sana pero tumagos lang din ang daliri ko. Napatigil sya sa ginagawa nya at lumingon sa gawi ko.

Possessed Lover | JJK & PJMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon