"Andrea!" sigaw ng kaibigan niyang si Marie na nasa guardhouse ng kanilang school.
"Marie" simpleng bati ni Andrea habang papunta sa kaibigan.
First day of school na naman. Simula na naman ng mga ASSIGNMENTS, DI MABILANG BILANG NA MGA SEATWORKS, PROJECTS, DALDALAN, SIGAW GALING SA MGA TEACHERS AT HIGIT SA LAHAT, BONDING SA MGA KAIBIGAN. Pero para kay Andrea, ang first day of school na ito ang pinakamalas na araw niya.
"uy, Andrea, di ka ba excited? Ako, kinakabahan, di ko pa kasi alam kung saang section ako mailalagay this school year", sambit ni Marie habang naglalakad sila ni Andrea papunta sa kanilang "TAMBAYAN".
Tulala lang si Andrea at maraming iniisip. "Boring na school, walang GWAPO, maraming mga aatupagin sa pagiging school secretary ko, may mas malala pa ba sa buhay na to? Wala na ngang Inspiration, Diyos ko." sambit ni Andrea sa sarili.
"Andrea? nakikinig kaba? First day na first day, tulala ka diyan. May problema ba?" tanong ni Marie sa kaibigan sabay haplos sa kaliwang braso ni Andrea.
"Ha? Ano? wala, ..wala.. ay basta." pasimpleng sagot na lamang ni Andrea.
"okay ka lang friend? Lamig mo ah" nag aalalang tanong ni Marie.
"Ay, okay lang ako. At saka, about sa sections, Saint Andrew pala, classmates pa rin tayo", malumanay na sagot ni Andrea sa kaibigan.
At nandito na nga sila sa "tambayan". Iba't ibang mga pamilyar na mukha ang nakita ni Andrea. Kabilang na dito sila Mae, Mikay , at Ella, ang mga best friends niya simula pa noong grade 6 pa lamang siya. Pati na ang mga ka klase niya noong nasa Ikalawang taon pa lang siya.
Nagiging masaya lang si Andrea sa school dahil sa mga kaibigan niya. Sila lang kasi ang nagpapakumpleto ng araw niya. Wala naman siyang INSPIRATION para di masabi ito. Kaya't dito sa "tambayan" nila, nagiging masaya siya. Dito sa "tambayan", nasasabi niya ang kanyang gusong sabihin at na e-express niya ang kanyang sarili na di niya nagagawa sa iba. At di narin siya nahihiya dito, kilala na niya kasi ang mga taong ito.
*KRRRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNGGGG*
Time na para hanapin ang classroom at medyo masaya na si Andrea dahil kaklase parin niya ang iba sa mga classmates niya last year.
" Di na siguro ako ma a-Out Of Place,....sana" ,sambit ni Andrea sa sarili habang nakikipag siksikan sa hallway kasama ang iba pang mga estudyante.
"Saint Gregory, Saint Paul, Saint Veronica, Saint... ay sa wakas!" , masayang sigaw nina Xander at Gran kina Marie, Ella at Andrea.
"Saint 'AY SA WAKAS'? Saint Andrew kaya" , pabirong sagot ni Andrea sa mga kaibigan nitong sina Gran at Xander.
"Hayaan mo nalang yang dalawang mokong na yan, Cute parin sila. HAHAHA!" patawang sagot ni Ella kay Andrea .
Maya maya, dumating na ang kanilang teacher.
BINABASA MO ANG
asdfghjkl, LOVE ♥
Teen FictionPaano nalang pag nagmahal ka ng di ina asahan? Paano nalang pag dumating na ang oras na kailangan mo ng umalis para sundin ang desisyon na alam mong hinding hindi mo na mababago? Magmamahal ka pa rin ba kahit alam mong malabo nang magkita kayo ba...