TULOY
Hindi ko alam kung papano ko nga ba sisimulan to,
Ngayong di ko naman alam kung papano nga ba tayo nag simula,
Hindi ko alam , wala akong alam ..
Ang tanging naalala ko lang ,
Masaya ka , ganun din ako .
Masaya tayong pinag sasaluhan
Bawat sandaling mag kasama tayo ,
Mga tawanan , biruan , asaran ,
Bawat araw na lumilipas hindi namamalayan ,
Sinusulit bawat oras na dumadaan
Nag patangay sa agos
Hindi nilabanan ang daluyon
Ng bawat naramdamang emosyon
Tapos.. tapos.. tapos..
Dito na lang ba matatapos?
Matapos mong buuin ang mundo ko,
Ikaw din ba ang sisira nito?
Matapos mong pag tagpi-tagpiin itong puso,
Ikaw din ba ang wawasak nito ?
Matapos nating bumuo ng sarili nating mundo,
Iiwan mo nalang ba akong nag iisa dito?
Matapos lahat ng masasayang musika
Mapapalitan na ba to ng malulungkot na kanta ?
Wag mo naman sanang patunayan ang mga kataga
kung gaano kabilis nag umpisa, ganun din kabilis mawawala
Alam kong malabo , pero kung sakali man
Kung sakali lang naman
Na maalala mo , kung bakit mo to sinimulan,
Kung bakit natin to sinimulan,
Sana maalala mo..
Sana maalala mo lahat
Patawad kung minahal kita ng sobra
Patawad kung ayaw kitang lumaya
Patawad kung makasarili ako ,
Patawad kung umaasa pa rin ako,
Patawad, di ko sinasadya.. nag mamahal lang ako
At sanay patawarin mo ako ,
Kung makikiusap ako sayong
Mahal, ako naman sana ang pillin mo
Sana ngayon , Ako naman , yung Ako lang .

YOU ARE READING
Tuloy
PoetryThis poem is not mine. It is created by my best friend named Lara Melissa Zaldua. She gave me the rights to post/publish her poems. Ps. Do not copy and paste any part of this somewhere. You should put credits if you were given the rights. plagiaris...