×C1: ESCAPE FROM PRISON

17 2 0
                                    

Y'MARINA

Dali-dali kung hinablot ang susi sa may kahon at binuksan ang pinto, sa wakas at makakalabas na ako sa walang kwentang bahay na ito.

Bata pa lang ako ikinulong na ako ng mga magulang ko sa isang maliit na silid at hinayaan nila akong lumaki at naging malungkot sa kwarto na yun, kaya ito ako nag babakasakali na makalabas ako sa bahay nato at maranasan ang buhay ng isang normal na tao.

Teka saan ba yung pinto? Sa laki ng bahay nato makikita ko pa ba yun? Hindi ko kasi kabisado ang mansyon nato kaya baka maliligaw ako nito.

"Kailan natin sasabihin sa kanya tungkol sa pagkatao nya?" Rinig kung paguusap ng mga magulang ko sa kusina, napatago ako sa isang sulok ng pader at pinakinggan kung ano ang pinaguusapan nila.

"Hindi ako papayag na malaman nya ito ngayon, darating rin ang panahon kung saan natin ibubunyag sa kanya ang lahat." Wika ng Ama ko, napatakip nalang ako sa bibig ko at napa-atras. Ako ba ang pinaguusapan nila?

"Pero nahihirapan na ang anak natin!" Sigaw ng Ina ko at ang susunod na narinig ko ay nabasag na bagay na nasa likuran ko.

"May tao ba dyan?" Kumaripas ako ng takbo at nagtago sa ilalim ng lamesa. Bat ba kasi ang tanga tanga ko? Bat hindi ko tinignan kung saan ako aatras? Siguro dahil 'to sa mga naring ko, ano ba ang nasa pagkatao ko ko na bawal kung malaman? Kaya ba ako tinago ng mga magulang ko dahil hindi ako gaya nila? Ang raming tanong sa isip ko na gusto ko ng nalaman pero panigurado hindi naman sasagutin ng magulang ko, at baka mapagalitan pa ako.

"Stella! Tinignan mo sa taas kung andoon ba yung magaling mong anak!" Napatakip ako lalo sa bibig ko ng marinig ko ang galit na boses ni Ama, hindi pwede! Hindi nila ako pwedeng makita at maibalik sa kwarto. Dapat gumawa ako ng paraan para makalabas dito.

"Harry! Tumakas ang anak natin!" Bulyaw ni Ina sa taas, napahawak ako sa bandang dibdib ko dahil sa lakas ng kabog ng puso ko, makakalabas pa kaya ako dito? At kung makakalabas ako saan naman ako titira? Bahala na nga!

"Ano! Ang batang yun! Sobrang pasaway at sakit sa ulo, tulungan mo ako hanapin ang anak natin! Sigurado akong hindi pa yun kakakalabas ng bahay." Pagkatapos sabihin ni Ama ang katagang yun. May narinig akong tapak ng paa papalapit kung nasaan ako nagtatago.

Hindi! Hindi ako papayag na ikulong nila ako ulit! Nakakasawa na, ayaw ko na! Tama na!

Hindi ko namalayan na may tumulo na luha sa mga mata ko, maya maya pa ay nakikita ko na ang sarili kung umiiyak. Saka inaalala ang mapapait na karanasan ko.

Flashback.....

"You stay there Marina!" Sigaw ng Ina ko saka nilamba ang pinto ng kwarto ko. I was just 6 years old kid when my family lock me in this room. Hindi naman nila ako pinagpapalipasan ng gutom, actually hinahatidan nila ako ng pagkain 3 times a day.

Wala kaming katulong o ano pang mga kasamabahay na nagtratrabaho sa bahay, ayaw ng mga magulang ko sa mga maraming tao. Ayaw rin nilang makipag salamuha sa kanila, ewan ko kung ano ang dahilan. At hindi ko rin alam kung bakit nila ako kinukulong dito.

"Mom! Pakawalan nyo ako dito, maawa na kayo!" Naiiyak na sambit ko, saka kinatok ng sobrang lakas ang pinto.

"Marina! Manahimik ka!" Aniya ni Ama, napatahimik ako sandali saka umiyak uli. Napaupo nalang ako sa sahig at napahikbi.

Ba't ang daya? Ang mga ibang tao nakakalabas at namumuhay ng tahimik pero bakit ako hindi pwede? Ano ba ang kaibahan? Parang ang sakit naman isipin na hindi ako pwedeng mabuhay na parang isang normal na tao.

Lumipas ang mga araw, linggo at mga taon nagiging pursige ako na lumayas sa bahay nato at gagawin ko ang lahat para makahanap ng tamang tyempo para makatakas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Run Away Time HolderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon