Chapter 35: Run Away Jenna.

104 5 0
                                    

Inah Arrellano

Napanganga na lang ako, what the heck!? Pinagtutulungan nila si andi! Ala na si zach sa table, kaya siguro sinamantala na nila ang pagkakataon.

"Malandi ka! Bakit ba ang daming babaeng kagaya mo! Kung sino pang committed sila pang nilalandi nyo!"- nanggagalaiting sabi ni auntie Jenna habang hila hila yung buhok nya.

"Ouch! Ano bang sinasabi mo!?".

"Obvious ka na te! Pinapasakitan mo si inah! Di mo ba alam marami pang nasasaktan sa pinapakita mong kalandian!? Tinatamaan ako noh!"- galit na galit ding sabunot sa kanya ni Chelsea.

"Mang aagaw ka lang harap harapan pa! Di mo ba alam na may jowa na yang nilalandi mo!"- sabunot din sa kanya ni keana.

Dehadong dehado sya laban sa tatlo, nakakatawa grabe. Ala naman akong intensyon na mangyari yung bagay na to but di ko mapigilang matawa. Nakakatawa ang mga kaibigan ko, buti na lang kaibigan ko sila at di kaaway.

Napakunot noo si andi ng mapatingin sakin, ako naman ala. Ano bang dapat kong i- react? Ngisihan sya? Baka mamaya sabihin pa nyang inutusan ko yung tatlo na bugbugin sya.

Na shock ako sa sunod na nagyari, oh my gosh bigla na lang bumuwal yung tatlo! Parang sinaniban na si andi ni incredible hulk! Buti na lang yung sumanib sakin last time si Do Bong Soon haha. Galit na galit sya habang gumaganti sa tatlo.

"Kala nyo di ako lalaban! Di ako basta basta pumapatol pero kahit mabait at inosenteng tao napupuno din!".

"Nong sabi nya? Mabait at inosenteng tao? Edi meow".

Sampal at sabunot yung inabot ng tatlo, ang galing nya! Pwede ko nang ipasa ang pagiging super girl!

"Ikaw inah! Ikaw ang may kasalanan nito!"- di ko namalayang kaharap ko na pala sya. Dumadami ang powers nya ha! Kaya din pala nya ang telepathy.

"Malay ko dyan".

"Inutusan mo sila right?".

"Di noh! Nag c.r. nga lang ako, after nagsa sabong na kayo"- ngumisi sya.

"Kala mo maniniwala ako sayo? Alam ko namang gusto mo talagang mapahiya ako!".

"Abat- bintangera ka pala eh!".

"And I'm a fighter too, di kita aatrasan!".

Bago pa nya ko nahila, naunahan na sya nila Chelsea. Buhay pa pala ang trouble squad! Moment na naman nilang apat, at dehado na naman si andi. But for the second time natalo nya ulit yung tatlo. Daebak.

"Inah Arrellano! Ikaw ang kaaway ko dito! Harapin mo ko, hindi yung nagtatago ka sa tatlong to!"- sugod nya sakin, akmang sasampalin nya ko pero dahil ako ang original na Supergirl naunahan ko sya.

I slap her, namumuro na sya eh! How dare her to judge me ng ganon ganon lang!?

"Mas madaling mapuno ang babaeng maldita kesa sa babaeng santa tantita!"- natulala sya tsaka nagsimulang umiyak. Iyakin pala to eh!

"Zach..".

"H-ha?"- napalingon ako, nasa likod ko na pala si zach at mukang yon ang moment na inabutan nya. I'm so dead.

"Zach, let me explain"- hinila nya si andi.

"Are you ok".

"Oo".

"Let's go".

"Sandali zach! Hindi ako ang may kasalanan nito! Sya ang naunang mangbintang"- huminto sya.

MY EVERYTHING [The Bodyguard Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon