Nakalayo na kami sa lugar na yon! Sobrang lalim na ng gabi wala ng mga tao tanging ako at si julian lang maguumaga narin siguro. Nagulat ako ng alisin ni julian ang kamay nya sa pagkakahawak ko..
"J-julian" pagtataka ko
"Ate pinatay mo sya " deretsong sabi ni julian kaya diko maiwasang lumuha"Hindi ko alam- hindi ko sinasadya.." lumuhod ako para maging pantay kami at hinawakan ang balikat nya "J-Julian makinig ka kahit anong mangyare hindi kita iiwan,nandito lang ako para sayo,lagi mong tandaan mahal na mahal kita julian!" pagkasabi kong iyon patuloy na pumatak ang luha ko at mahigpit ko syang niyakap
"Mahal din kita ate,dito kalang sa tabi ko!" Umiiyak na niyakap nya ako pabalik pero segundo palang ang lumipas, isang malakas na pagsabog sa di kalayuan ang aming narinig nasa liblib na lugar kung saan kami nakatayo"Ate ano yun?" Matinding takot sa mukha ni julian kaya mahigpit ko syang hinawakan at yumuko kami para magtago sa dilim
Lalapit na sana kami sa pinangyarihan pero maraming lalaking may dala ng mga baril kaya nanatili lang kami na nagtatago sa sulok. "A-ate-" agad kong tinakpan ang bibig ni julian para hindi kami marinig
"Wag! maawa ka samin!"
Boses ng babae ang sumisigaw mula sa di kalayuan!! Kaya sumilip ako ng kaunti, isang babae nga ang aking nakita at isang lalaki na nakatali ang pareho nilang kamay at paa pinapaligiran ng armadong mga lalaki
"Ang dalwang magkapatid na salvador,sisiguraduhin ko sila ang magpapatayan ,sa tingin ko paglalamayan din silang dalawa pag katapos nyong mamatay !"
YOU ARE READING
Played With The Mafias(ON GOING)
Любовные романы☆inspired by;(Mangatoon character) ⚠ MATURE CONTENT ⚠ * RATED SPG * "Wanna Play with me huh! I give you what you want" -Kaizler Salvador All Rights Reserve ✅