"Goodmorning class. I'm Miss Jass Madregara. I'm your class adviser as well as your English III teacher" nagmamadaling sabi ni Miss Jass sa klase niya.
"So, are you all fine? " , tanong niya sa lahat.
"Not so." malakas na sagot ni Andrea.
Bigla nalang tumahimik ang lahat. Lahat ng mga mata sa classroom ay nakatingin sa kanya na para bang may ginawa siyang isang karumaldumal na krimen.
"Tsk, nalakasan ko pa, tanga naman!" , sabi ni Andrea sa sarili na wari'y di na alam kung ano ang gagawin dahil sa kahihiyang ginawa.
"Uhm, bakit naman Miss?" tanong ni Miss Jass sa kanya.
"Andrea po miss, Andrea Gasiño po", nahihiyang sagot ni Andrea .
"Ay, diba ikaw ang School secretary natin?" nagagalak na tanong ni Miss Jass sa kanya.
"Ay, opo Miss." sagot naman niya.
Magtatanong na naman sana si Miss ng may kumatok sa pintuan.
"Excuse me for a while class" ang sabi ni Miss Jass sa klase habang papunta ito sa pintuan.
"Muntik na Andrea, muntik na" , pabulong na sabi ni Marie sa kaibigan.
Sasagot na sana si Andrea sa kaibigan ng nagsalita na naman si Miss Jass. Pero sa pagkakataong ito, may kasama na siya sa pinto.
"uhm, class, Siya nga pala si J.R. Ruadson. I guess old student siya, am I right J.R.?"
Pero imbes na sumagot, itinaas lang nya ang dalawa niyang kilay.
"Ay, di marunong magsalita? ", palihim na sambit ni Marie sabay hawak sa kanyang panyo.
"Shhh. Marie. Huwag ka ngang maingay, siguro nahihiya lang kaya ganyan, ", depensa ni Andrea kay Marie.
*teka Andrea, teka, teka, bakit mo ba siya dinidepensahan? At sa best friend mo pa? Di mo pa nga kilala yang taong yan. * himutok ni Andrea sa sarili.
Naputol ang kanyang paghihimutok ng nagsalita ng malakas si Miss Jass,
"Okay, J.R., doon ka muna uupo sa last chair sa Row III. Don't worry di yan nangangagat si Rick." pabirong sabi ni Miss J.
Tumawa ang lahat. Maliban kay J.R. Tahimik siyang pumunta sa kanyang upuan, inilagay ang bag at pasimpleng umupo.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ano ba talagang meron sa JR na yan? stay tuned :D......
BINABASA MO ANG
asdfghjkl, LOVE ♥
Ficção AdolescentePaano nalang pag nagmahal ka ng di ina asahan? Paano nalang pag dumating na ang oras na kailangan mo ng umalis para sundin ang desisyon na alam mong hinding hindi mo na mababago? Magmamahal ka pa rin ba kahit alam mong malabo nang magkita kayo ba...