HSLT 49

57 0 0
                                    


•Narrative•

Pagpasok ko kinabukasan sa classroom ay agad na bumungad sa'kin si Arrow. Nang napalingon siya sa gawi ko ay nagtama ang tingin namin. Pagkatapos nito ay nginitian ako ng Mokong.

Inirapan ko siya pero hindi ko napigilan ang pagganti sa kanyang ibinigay na ngiti. Kahit naman buset ang lalaking 'yan, alam ko naman sa sarili ko na kahit papaano e magaan na ang loob ko sa kanya.

Nang nilingon at pinagmasdan ko ang mga kaklase ko, pasimple na pala silang nagsesenyasan at nahalata yata ang interaction namin ni Arrow. Halatang-halata ang pagngisi at mga nakakalokong tingin nila.

Nagulat naman ako nang nilapitan pa ako ni Pana. Tumigil siya sa harapan ko at sinuksok muna ang dalawang kamay sa kanyang bulsa bago nagsalita, "No love team. Hayaan mo sila. "

"Yah yah yah! " pakanta ko pang sagot. "Friends tayo. Walang malisya. Walang pakialam sa sasabihin ng iba. "

Napangiti si Arrow sa sinabi ko. "Wapakels? "

"Wapakels. " I answered pagkatapos ay tumingin ako sa mga kaklase ko, then I flipped my hair.

Pak ganern!

High School Love Team | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon