Survival #7

1 0 0
                                    

[Cyril's POV]

"Nakita nyo ba sya?"

"Hindi eh...naghanap na kami sa malapit pero wala sya."
James

Napasuntok nalang ako sa puno.
Pagkagising kasi namin kanina, wala na si Sam. Naghintay kami ng ilang minuto dahil naghahanda na kaming umalis pero lumipas nalang ang isang oras, hindi parin sya dumarating. Hinanap namin sya sa kung saang malapit lang dito, pero wala sya.

"Guys we need to keep going..."
Patrick

Kaya napalingon naman ako saka sya kwinilyohan.

"Nahihibang kana ba? Nawawala nga si Sam. Ano yun? Iiwanan natin sya?"

Saka ko sya tiningnan ng masama. Ayokong umalis hanggat wala si Sam. Magkasama kaming napadpad dito, kaya magkasama kaming aalis sa islang ito.

Tinulak nya ako at lumaban sa pakikipagtitigan ng masama.
Hinawakan naman sya ni James habang hawak hawak din ako ni Andrew.

"Anong gusto mong gawin namin? Maghintay dito at hanapin yung taong nawawala na hindi na natin alam kung buhay pa ba oh patay na?!"
At pinipilit makawala kay James pero mas hinigpitan ni James ang hawak sa kanya.

"Buhay si Sam! Nararamdaman ko yun! At walang aalis hangga't hindi sya nakikita! Magkasama tayong lahat na napadpad dito, at ano yun?! Basta basta nalang natin syang iiwanan?! Nasaan na yung sinasabi nyong magtutulongan?! P*t*!!"

"Isang buhay ipagpapalit mo sa siyam na taong nandito! Bobo ka ba?! Gumagana pa ba yang utak mo!!!"

"Mas bobo ka!!!"

"Eh sinuntokan nalang kaya!!"

"Unahan mo!! Tarantado! Weak!"

At mas lalo nyang pinilit makawala kay James, ganon din ako pero sobrang lakas ni Andrew.

"Tumigil na kayo!!"
Althea

Natigil naman kami at napatingin sa kanya.

"Puro kayo away! Lahat nalang dinadaan nyo sa init ng ulo!! Kung ganyan kayo palagi mas lalong hindi tayo makalabas dito ng buhay!!"
Althea

Napatingin nalang ako kay Patrick at dahan dahang kumalma.

"Cyril aalis tayo dito. Hindi tayo pwedeng manatili dito dahil hinahanap nila tayong lahat. At tungkol kay Sam. Hahanapin natin sya."

Saka sya naunang umalis, sumunod naman sila Chloe, Ivy at Andrea. Binitawan naman kami pareha ni Andrew at James saka sila sumunod sa mga babae.

"TSS wala na sila, tuloy nyo na."
Cloud

Nagpatingin kami sa kanya at agad na binalik ang tingin naming dalawa sa isa't isa.

At parehong sinugod ang isa't isa.

"Tarantado!!"

"Gago!!!"

"Argh!!!"

*bogsh*

"Ugh!!!"

*pak*

*bogsh*

*pak*

*****************

[Sam's POV]

Dahan dahan kung dinilat ang aking mga mata. Tumambad sa akin ang atip na nippa.

Dahan dahan akung umupo pero sobrang sakit ng tyan ko. Humahapdi pa ito.
Pero ang tanong, nasaan ako?

Ang naalala ko nasa isla ako kasama ang apat na babae at limang lalaki. Pumapatay ako para mabuhay, natutulog kami sa gitna ng gubat. Kumakain ng inihaw na usa. Umiinom ng tubig sa batis.
Nahuli ako at nasaksak.

Pero bakit nasa loob ako ng isang kubo?

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang maputing lalaki.

"Mabuti naman at gising kana."
Sya saka naglakad palapit sa akin.

"Nasaan ako? Sino ka? Anong nangyari sa akin?"

"Hinay hinay lang,,,mahinang kalaban. Anyway nasa kubo kita, ako yung tumulong sayo nong gabing nahuli ka ng mga armadong lalaki. Nga lang nasaksak ka."

Saka sya lumapit sa may lamisa saka nilapag ang dala dala nyang dahon ng saging na may mga pagkain.

"Kain ka muna."

Nakaramdam naman ako ng gutom kaya binaba ko ang mga paa ko sa may katre at inabot ang pagkain at agad na sumubo.

"Sam..."

Napatigil naman ako saka sya tiningnan ng nakakunot noo.

"How did you know my name? Who the hell are you?"

"I'm Alex and like you, I have a special ability. We have the same kind."

"That's not the answer I want to hear."

Napabuntong hininga naman sya.

"I followed you."

"Why?"

"I want to help."

"Well I don't need your help."

Saka ako tumayo. Napadaing pa ako sa sobrang sakit. Akmang lalapit sya sa akin ng patigilin ko sya sa pamamagitan ng pag harang ng kaliwang kamay.

"Don't you dare touch me or come near me. I swear I'll break your neck."

Saka ako paika-ikang naglakad. Pero may nakalimutan ako saka bumalik. Napatingin naman sya sa akin.

"Akin nalang to"

Saka ko kinuha ang dahon ng saging na may inihaw na karne.

At naglakad na paalis. Ramdam kung sinusundan nya ako ng tingin.

Pero hindi sya ang problema ko ngayon, ang problema ay kung nasaan na kaya ang mga kasama ko. Kailangan ko silang makita. Panigurado nag-aalala na sila sa akin.

"Argh!!!"

Bakit ba kasi hindi ko napigilan yung lalaki ka gabi na saksakin ako. Ito tuloy, mukhang magiging pabigat pa ako sa mga kasama ko.

"Sam kaya mo to. Hindi mo kailangan ang aruga nila. Malaki kana. Kaya mo to ng mag-isa."

Lakad lang ako ng lakad, kumakain din ako nong kinuha kung pagkain.

Nasaang banda na kaya ako ng isla. Gago din kasi yung lalaking Alex Alex na yun, kung saan ako dinadala. Alam ng mahihirapan ako sa paglalakad dahil sa sugat ko.












Tatlong oras na akung naglalakad. Dumudugo pa yung sugat ko. Pero hindi parin ako nakakarating sa lugar na tinigilan namin kahapon.

Habang naglalakad, nakarinig ako ng kaluskos sa di kalayuan. Siguro hayop lang yun.

Pero halos mapasigaw ako sa gulat ng bigla nalang may mga kamay na tumakip sa bibig ko at hilain ako paupo at tago sa may puno.

"Ssssshhhh...."
Bulong nya sa akin.

"Hanapin nyo, nasa malapit lang ang mga yun. Hindi naman yun makakalayo dito."

"Yes boss."

"Ano na ang balita sa kabila?"

"Hindi parin nila nahanap yung babae at lalaki kagabi."

"Mga bobo! Hanapin nyo! Kailangang mahuli na ang mga yun bago pa man dumating si Commander."

Saka sila umalis at naglakad papunta sa kabilang direksyon, palayo sa pinagtataguan namin.

Ng tumahimik na ang paligid saka nya ako binitawan at tinulongang tumayo.

"Bakit mo ako sinusundan?"

"Matagal na akung nakasunod sayo, mula pa lang nong napadpad kayo dito."

Sinamaan ko sya ng tingin. Tinaas naman nya ang mga kamay nya na parang sumuko.

"Ok, I want to help you."

"I told you I don't need your help."

"I'm not asking you if you want me to help you or not, I just want to help you I don't care if you get mad at me"












®®®®®®®®®®®®®®®®®

The Survival SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon