#15: Red Dress

1 2 0
                                    

Habang nasa kotse naman ako nina Kath ay di nila maiwasang magtilian at magkwentuhan para sa nalalapit na Ball. Ano pa ang pinag-uusapan? Edi yung mga isusuot nila! At yung mga makakapares nila sa Thursday.


Inannounce na ata ni Sir Mike sa buong School..


Medyo galit naman sila kasi daw bunutan yung partnering. Gusto nila yung mga boyfriend nila ang makakapares nila.


Wala eh. Nagmamahalan talaga tong mga kaibigan ko.


Ugh. Excited na rin sila.


Nbaling naman sa akin ang atensiyon nina Sheen at Anne habang yung mga boyfriend nila ay nagkukwentuhan.


"Sheen! Ano pala yung.. theme ng ball?" Sabi niya na mukhang excited sa isasagot ko.


"Uh-uhm.. sorry pero.. di ko pwedeng sabihin eh." Sabi ko naman sa kanila. Wala eh. Yun ang utos ni Sir Mike.


"Sheen..sabihin mo na.."pangungulit naman ni Anne.


"Plsssssssss.." sabay nilang sabi sa akin




Bigla namang tumigil ang kotse. Andito na pala ako sa amin.



"Bye!" Sabi ko at bumaba na ng kotse saka kumaway sa kanila.



Nakita ko naman ang huling reaction nila bago nila isara ang kotse. Haha. Mukha silang nacolombia sa lotto.



Pagkapasok ko naman sa bahay ay kaagad kong napansin ang isang babae  sa kusina kasama ni Mama na nagluluto na bago sa paningin ko.


Uhh. Si tita Selia pala.




Kaagad naman akong naglakad palapit sa kanila at nagmano kay Mama. Pagkatapos ay kay Tita Selia.



"Uh. Ito na ba ang pamangkin ko?" Sabi niya at hinwakan ako sa magkabilang balikat



"Oo ate."sagot naman ni Mama.



"Aba't kaygandang dalaga naman ito?" Sabi niya at ibinaba ang kamay niya sa mga kamay ko.



   Oh diba? Maganda ako?!


"Siyempre ate, nagmana sa lahi natin" sabi naman ni Mama. Natawa naman kamong lahat. 



Kaagad naman akong pinaakyat muna sa kwarto ni Tita saka niya pinagpatuloy ulit ang pagluluto niya.



Kaagad namn akong nagbihis at bumaba ulit.


Pagkababa ko ay nagulat naman ako sa mga taong nakatingin sa akin.


Arghh. Sina Anne at Kath. Ano na naman kaya kailangan ng mga neto?!



"Hindi ka ba magsho-shopping?" Sabi ni Kath habang naglilipstick pa.



"Shopping?" Tanong ko naman.




"Para sa ball." Sabi naman ni Anne.




"May ball kayo anak?" Sabi naman ni Mama at lumapit sa amin.




"Opo ma pero--".




"Sumama kana sa kanila at bumili ka ng isusuot mo." Utos naman ni Mama.



"Pero ma alam mo namang wala akong hilig doon diba?" Sagot ko naman sa kanya.




"Ano ka ba.. Sumama ka na." Pilit ni Mama.



Cherish Every Moment(Ongoing)Where stories live. Discover now