Chapter 8

770 35 2
                                    

Chapter 8

Pangetsz

Friday na ngayon, meaning last day ng paghihirap sa week na to at for sure after classes namin ay derecho gala nanaman kami ng dalawa kong besh. Saan kaya kami mamaya?

Naglalakad na ako ng biglang may bumisina sa harap ko. Nashookt ako, kasi nasa tamang lakaran naman ako. Paglingon ko "Panget, sabay kana sa akin." Isang nilalang ang humarap sa akin. "Sorry, di ako sumasakay sa panget." Asar ko pabalik. Nag make face lang siya.

"Oy tara na, malalate ka niyan." Mag 10 na kasi, eh 10 yung first class ko. "HAHAHA. Ge, libreng pamasahe din." Asar ko. Sumakay na ako sa car niya.

"Kamusta ka na?" Bungad niya agad. Tinignan ko siya at ngumiti, "Okay na, kahapon pa. Ilang beses mo na yan natanong?" Sabi ko. "Nagmamake sure lang na okay kana. Ayokong malungkot ka." Napangiti ako. "Panget kana e, papanget ka pa lalo." Asar niya nanaman, hinampas ko na lang.

"Salamat panget." Nakarating nadin kami sa school. Bumaba na ako. "Welc. Text na lang panget." Sabi niya. Nag nod na lang ako, at naglakad na papunta sa room ko.

Phone phone lang ako kasi wala pa naman yung prof namin. Nag scroll lang ako sa twitter ng makita ko yung post ng isang page.

"@ediwow123: Panget? Panget pa tawagan niyo, eh naglalandian lang naman kayo."

Natawa ako, pero iba kasi yung pumasok sa isip ko. Hindi naman kami naglalandian e, hindi din naman panget si donny, sadyang asaran lang talaga.

Ni retweet ko yun at nag scroll scroll lang ulit ako, at dumating nadin yung prof. Aral aral na.

••••••••
Break time ko na. Wala yung dalawa, kasi may klase pa. Mag isa tuloy ako ngayon naglalakbay papunta sa canteen ng biglang may nag text.

From: Donny Pangilinan

Saan ka? Break time mo na ba?

To: Donny Pangilinan

Papuntang canteen. Yasyas, ikaw?

From: Donny Pangilinan

Sakto ako din, wala akong kasama pasabay ako.

To: Donny Pangilinan

Ako din! Sakto, libreng lunch nanaman! HEHEHEHE

From: Donny Pangilinan

Katakawan mo tapos kakuriputan mo. Pasalamat ka mabait ako.

Saan kana? Lapit na ako canteen.

To: Donny Pangilinan

Dami mong alam! Nakikita na kita ge na.

"Hoy!" Gulat ko dito, kasi nakatalikod siya sa kung saan ako. "Aaaah! Grabe gulat ako." Sarcastic niya na sabi. "Okay lang na mag ganyan ka, libre mo naman ako e. Tara na!" Sabi ko sa kanya habang hinihila siya na pumila na. "Matakaw na nga kuripot pa hays, paano ba to naging superwoman?" Madrama niyang sabi.

Nakapila na kami, nagkwekwentuhan at napapansin kong ang daming nagmamasid na mata sa amin. Iba talaga, kapag yung kasama mo sikat.

"Hindi ka ba naiilang?" Tanong ko. "Saan?" Takang tanong niya. "Sa mga matang laging nakamasid sayo." Nagulat siya, pero agad naman siyang bumawi ng ngiti. "Hindi naman, nakatingin lang naman sila e. Tska, medyo sanay na din ako. Ganon talaga pag pogi."

"Okay na e. Siningit mo pa talaga yon!" Sabay hampas ko sa kanya. Kami na pala yung susunod, shempre nag order na ako. "Yan lang po. Oh, bayaran mo na." Sabi ko habang inaayos yung inorder ko. "Ito po." Bayad ni Donny. Nakapag order nadin siya.

Right TimingWhere stories live. Discover now