WITRH4

40 20 1
                                    

Tatlo na lang ang natitira para sa 3rd,2nd, at 1st place at yon ay si Kim,Christian, at Sachary.

"The 3rd runner up will be Mr...Christian David!!"

"Waahh bat si Christian ang 3rd?! Di ba dapat yung Sachary na yon?!" -Jane

"Huwag na natin tong patagalin, ang mag aaward sa 2nd runner up ay ang Math teacher na si Mr Jacinto at ang tatanghaling Oh My Bae ang mag aaward ay ang Filipino teacher na si Mr Davis" -Emcee

"Sachary!Sachary!"

"Kimmmm!!"

"Ang una kong tatawagin ay siyang tatangahaling Oh My Bae... At ito ay si ...Mr...Kim Reyes!!! At ang second runner up ay si Sachary Villanueva!!"

"Wow haha Saira! si Kim ang nanalo!!"

"Yeah ang gwapo at ang talented niya kasi hahah ang galing! Tara papicture tayo!!"

"H-ha? Ahm ano...Sandali. Yung ano...diba may play pa tayo sa room? oo tama may play pa tayo kaya tara na. Lagot tayo nito."

"Pero papicture muna tayo kay Kim. Saglit lang naman eh" -Saira

"M-mamaya na lang. Panigurado andyan pa naman si Kim mamaya dahil ang dami pang nagpapa picture sa kanya"

Yung totoo kasi ayoko lang talaga mag papicture kay Kim dahil hindi ko kayang lumapit ulit sa kanya. Ang bilis kagad ng heartbeat ko isipin pa lang na lalapit ako kay Kim kinakabahan na ko. Kaya sana pumayag si Saira na bumalik na kami sa room.

"Sige. Basta babalik tayo after ng play natin ah? Para magpa picture kay Kim" -Saira

"Papicture din tayo kay Christian mamaya ah?" -Jane

"S-sige"

Kahit yung totoo hindi ako sasama sa kanila lalo na pag kay Kim pupunta.

"Oh bat ngayon lang kayo? Akala ko ba saglit lang kayo. Mabuti wala pa si Mam kung hindi mapapagalitan kayo at baka pati ako madamay pa."

Hayst kapagod. Tinakbo kasi namin mula Gym hanggang dito sa AP department.

"Ms President naman easy ka lang. Saka sabi mo nga wala pa si Mam kaya wala tayong problema" -Saira

"Tumakbo pa nga kami Reina mula gym hanggang dito oh" -Jane

"I don't care. Pasalamat talaga kayo, kung hindi ako mabait isusumbong ko kayo" -Reina

Umirap pa siya bago umalis sa harap namin.

"Wow ang bait nga niya talaga no?"  -Saira with a sarcastic tone

"Hay thank God wala pa si Mam"

"Balik kaya tayo para magpa picture?" -Saira

"Gusto mo ba talaga tayong mapagalitan ni Mam?" -Jane

"Hindi naman. Pero kasi baka umalis na si Kim" -Saira

"Madami pa namang araw Saira at after ng New Year balik school ulit kaya pede kang magpa picture kahit ilang beses mong gusto"

"Hindi ako makakatulog ng ayos mamaya kapag hindi ako nakapag papicture kay Kim, kaya sana samahan nyo ko ah? Saka ayaw mo ba magpa picture kay Kim?" -Saira

"Gusto ko pero..."

"Hey Guys!! Papunta na si Mam dito. Props comittee iready niyo na yung mga props na ipapasok niyo sa bawat scene! Yung mga characters ready na ba kayo?"  -Reina

Sumagot naman sila na ready na sila.

"Tara na. Mag ready na tayo" -Jane

After ng play namin na maganda daw ang kinalabasan sabi ng teacher namin,heto at hila hila ako ng dalawa kong makulit na kaibigan.

Who Is The Real Him (Completed)Where stories live. Discover now