Ngayon expected na magmemeeting kami. Didiretso lahat sa bahay nina Troye after class. Sabay ulit kami ni Travis papasok kaya eto ako at todo ayos. Ganito pala iyon? Pag-inlove ka, nakakainsecure sa sarili. You always want to look pretty. But I am not like the other girls na parang pang graduation na ang make-up sa klase. Putting make-up is not bad at all. I-ayon mo lang sa okasyon.
And I am also trying my best to control my damn feelings. Kahit sobrang hirap lalo na pagmalapit sa akin si Travis.
Ganoon pa rin ang ginawa ni Travis. Sabay kaming pumasok at maingat ang kilos ko sa loob ng kotse. Nahihiya rin kasi ako sa sinabi ko kagabi. Mukha akong desperada!
"Good morning lady." hinalikan niya ako sa pisngi. Habambuhay na atang sabog itong puso ko.
"Morning din " sabi ko at ngumiti. Hindi na muli akong nagsalita matapos iyon.
"Tahimik mo a? " tumingin saglit si Travis sa akin bago pinaandar ang kotse.
"Kumain ka ba? " dagdag niyang muli.
"Oo naman. " sabi ko at ngumiti.
Hindi na siya sumagot itinuon ang atensyon sa kalsada.
"Hey.... " tawag niya bago ako bumaba.
"Hmm? " tinaas ko ang dalawa kong kilay.
"Let's go to Bolinao this Saturday. With HighDown. " nanlaki ang nga mata ko sa sinabi niya.
"R-really? " halata ang pagkasabik sa aking tono. We're going to beach!
Tumango lamang siya.
Kaya naman sobrang saya ko habang nasa school. Sabay kaming naglakad ni Travis dahil pareho naman kami ng room. Nakarinig ako ng bulong-bulungan.
"Siya iyong new member ng HighDown diba? "
"Bakit lagi silang magkasabay ni Travis? "
"Sila ba? "
"Sino yan? Bagong fling ni bebe ko Travis? Nagsawa na siguro kay Hernandez."
Napatingin ako sa nagsalita at uminit ang pisngi ko. Oo nga naman, what are we?
And.... Halata namang kaharutan niya si Nicole pero masakit pala marinig sa iba.
Nilingon ko si Travis at nakitang seryoso siyang nakapamulsa at tumitingin sa daan.
"What? " aniya nang mapagtantong nakatitig ako sa kaniya.
"Don't mind them. Masanay ka na. " dagdag niya tsaka lumiko papuntang room.
Pagpasok namin ay umupo na kami sa kaniya-kanyang upuan. Troye is not yet here and andito na si Casey. Nagsabay kaya sila? Nasagot ang tanong ko nang magsalita si Casey.
"Where's Troye? " tanong ni Casey sa akin ngunit nagtaas balikat lamang ako. I don't know either and maybe we should ask this boy beside me.
"Where's Troye? " sabi ko. Nagtaas muna siya ng kilay bago sumagot.
"Baguio. Kinuha iyong kotse niya. Baka mamaya pa ang dating non. "
"So hindi siya papasok. I see. " ani Casey
Nilingon ko siya at binigyan ng makahulugang tingin.
"What? " inirapan niya ako at tinaasan ng kilay.
"I'm not romantically attracted to anyone right now, Aeryn. Tulad mo ako sayo." aniya na itinawa ko na lang. Umayos kami ng upo nang dumating ang prof namin.
Nang magbreak time ay hinila agad ako ni Casey palabas.
"Aray huh. " sabi ko nang kinakaladkad niya ako palabas.
BINABASA MO ANG
Past In The Future
Teen FictionSa unang araw ng klase ay hindi inakala ni Aeryn na makikilala niya ang lalaking hahangaan at kaiinisan niya. Perfect man na e, masungit nga lang at may nakakainis na attitude. Pwede ba 'yon? Kainisan at gustuhin pareho? O una pa lang gusto mo na ta...