Chapter 1

2 1 0
                                    

"Please wag mokong iwan. Mahal na mahal kita Rian. Ako na pa bang kulang sakin ha? Sabihin mo. Wag yung ganito. Hindi ko kayang mawala ka sakin Rian"

Nakaluhod ako ngayon sa harap ng lalaking pinakakamahal ko. Umiiyak na sana wag nya akong iwan.

"Hezhia  please stand up. Eto ang mas makakabuti satin. Ayaw ng magulang mo sakin at wala na akong magagawa dun" Lumuhod din sya at umiiyak. No di ko kaya. Di ko kayang makitang umiiyak ang mahal ko. Di ko alam kung anong gagawin ko pag nawala sya.

"Papakiusapan ko sila Mom at Dad. But please mahal ko dont leave me. Di ko kayang mawala ka" Hinakawakan ko ang kamay na at nagmamakaawa.

"Tanggapin nalang natin na hindi talaga tayo para sa isat isa. Bata ka pa. Marami ka pang makilalang mas higit sakin. Kaya bitiwan moko. Aalis na ako." Nagtangka syang humakbang ngunit pinigilan ko ito. Patuloy ang pagtulo ng luha ko.

"Ganun ganun nalang yun Rian?! Pagkatapos kong ibigay lahat sayo! Pati buong pagkatao iiwan mo lang ako. Pano yung magiging baby natin ha? Tatakbuhan mo nalang!" Sigaw ko sa kanya. Oo buntis ako. At kahapon ko lang nalaman. Isusurprise ko sana sya ngayon pero tangina ako ang nasurprise.

"Anong pinagsasabi mo Hezhia! Anong baby? Buntis ka?" Hysterical na sabi Rian. Hindi sya makapaniwala. Pagkatapos ng ilang ulit na nangyayare samin di nya pa ba inaasahan na makakabuo kami.

"Oo buntis ako! At ikaw ang ama Rian! Kaya please wag mokong iwan. Ayokong lumaki ang anak ko na walang ama!" Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya. Pero pinipilit nyang alisin ito. Naglakad sya pababa ng hagdan. Hinawakan ko ulit ang kamay nya para di sya makaalis.

"Gumagawa ka lang ng sarili mong kwento para di kita iwan! Ayoko na Hezhia. Itigil na natin to. Di na ki-ta ma-hal." Gumuho ang mundo ko sa mga salitang binitiwan nya. Parang punyal na sumaksak sa puso ko.

"Please Rian pag usapan natin to. Plea--ahhhh" Sa sobrang pagpupumiglas ni Rian ay di ko inaasahang mahuhulog ako sa hagdan.

"Shit. Are you okay Hez?  What the--- dinudugo ka"

Napahawak ako sa hita ko at nakita ko ang pag agos ng dugo ba mula roon. Omyghad. Ang baby ko.

"Rian ang baby natin. Iligtas mo ang baby natin. Rian!!"
Patuloy ang pag agos ng luha ko. Nangangatog ang mga tuhod ko. Di ko alam ang gagawin ko. Lord, ang baby ko please.

"Manang! Tawagin mo si Mang Oskar dadalhin natin si Hezhia sa ospital! Dalian nyo"
Sigaw ni Rian habang pinagmamasdan ako. Ramdam ko ang takot sa mga mata nya.

"Rian ang baby natin"
"Ssshhh. Magiging okay ang lahat. Maliligtas si baby. Sshhh tahan na".

Yumakap ako kay Rian.Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nawala ang baby ko.

Nagtungo na kami sa ospital. Nagdilim na ang mga mata dahil sa paghihina at pagod ng aking mata. Ang baby ko. Iligtas nyo sya.

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon