Chapter 6.3 🌸

701 14 0
                                    

"NANA CONCHITA, bakit wala si Drake sa hospital?" takang tanong ni Lilac

"Sa Maynila iyon naglalagi. Hindi iyon nagtratrabaho sa kahit anong pag-aaring kompanya ng mga Salvador. Gustong tumayo sa sariling paa kaya hinayaan na lang ni Devlin. Lumaki kasi iyon sa hirap. Saka lang nalaman na may isa pang Salvador nang mamatay ang kanilang ama. Alam mo bang hanggang ngayon ay hindi man lang nagagalaw ni Drake ang mana niya. Nakita ko lang amg batang Salvador nang ilibing ang matandang lalaki," mahabang paliwanag ni Nana Conchita sa dalaga.

Napatango siya. Pagdating niya sa Maynila. Hahanapin niya si Drake. Magpapatulong siya sa kanyang Kuya Sky.

____________________§§§_________________

DALAWANG buwan na siya sa mansyon. Sa loob ng mga panahong iyon ay hindi man lang sumagi sa isipan niya si Jaxon. At naging maayos naman ang relasyon nila ni Devlin. Mabait at maalalahanin ito. Kaya nagtataka siya kung bakit iniwan ito ni Danille.

____________________§§§_________________

"NASAAN si Devlin?" tanong ng isang tinig buhat sa labas ng mansyon.

Naudlot ang pagbasa ng diyaryo ni Devlin. Tiningnan ang dumating na bisita. Kumunot ang noo nito nang makilala ito. Si Danille. Bumalik na naman ang babae.

"Anong hangin ang nagtaboy sa iyo, Danille para magkaroon ka ng lakas ng loob na harapin ako?" galit na tanong ni Devlin sa babae.

"Gusto ko lang malaman ang totoo," sabi nito sabay pakita kay Devlin ang hawak nitong magazine. Kinuha ni Devlin ang magazine at binasa ang caption.

Article iyon para sa kanila ni Lilac. "Ito lang ba ang dahilan ng ipinunta mo dito?" usig na tanong nito.

"Meron pa," sagot ni Danille.

____________________§§§_________________

PIGIL ang hininga ni Lilac habang nakasilip mula sa pinagkukublihan. Ano ang sadya ni Danille kay Devlin? Makikipagbalikan ba talaga ito sa lalaki? Paano kung mahal pa ito ni Devlin? Kahit sa isipan lang niya ang katanungan iyon ay parang hindi na yata niya kaya. Kagabi ay nakumpirma niya ang damdamin. Mahal na mahal niya si Devlin.

Mulu siyang sumilip sa dalawang nag-uusap. Pinakinggan niya ang pinag-uusapan ng dalawa.

"Alam mo ba na si Jaxon ang boyfriend ni Lilac?" galit na sita ni Danille kay Devlin.

"I know," agad na sagot ni Devlin.

"Walang kinalaman ang lalaking iyon sa sadya mo sa akin, Danille. Please direct to the point." turan nito.

"Bakit kailangang pakasalan mo si Lilac, Devlin?" galit na tanong nito.

"Hindi mo iyon dapat itanong, Danille," mahinahong sagot ni Devlin.

"Dapat kong itanong iyon dahil alam kong gusto mong gumanti sa amin ni Jaxon at si Lilac ang ginamit mo. Hindi mo totoong mahal si Lilac," may diin sa tinig na sabi Danille sa binata.

Pigil ang hininga niya habang nakikinig. Hinintay niya ang maaaring isagot ni Devlin.

"Hindi mo na sakop ang damdamin ko, Danille. Simula nang umalis ka at tinalikuran ang araw ng ating kasal at tapos na ang ugnayan nating dalawa." sagot naman ni Devlin.

"Oh! come on, Devlin. Please accept it. Ako pa rin ang mahal mo di ba?" malambing na sabi ni Danille kay Devlin.

At yumakap ito kay Devlin at hinagkan ito. Iyon ang tagpong hindi nakaya ni Lilac. Napatalikod siya habang umiiyak.

✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️

M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.






LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon