Chapter 8: Groupings

37 1 1
                                    

*************

Pumunta muna ako sa CR bago pumunta sa classroom.. Kanina ang nice ko pero nung dumating na yung lalaking yun biglang pumalit ang emotions ko sa ewan, kaya tawag ko sakanya Mr. Ewan, di ba?

Nakonsyensya tuloy ako dahil nilait ko pa naman, mukhang mabait naman e, di ko alam kong bakit ko sya nilait, parang automatic lang ang pagbigkas ko ng mga salita na yun, hindi ko kontrolado, may saliring buhay din pala ang bibig ko, totoong ako nga ang may-ari nito..

Vince's POV

Lintek naman na buhay tuh.. Late tuloy ako, kasalanan mo Ben Ten, di ba ikaw ang aking alarm clock, bakit hindi mo ako ginising, baka magkaroon ako ng record sa detention, bulsit na buhay tuh..

Nandito ako sa bahay, walang tao, pumasok na ata sila sa school at kina mama naman sa office, tapos ako, ano pa? nandito sa bahay natutulog, lagot ka talaga sakin Ben Ten..

Tiningnan ko ang orasan kung pwede pa ako makahabol sa second subject pero 9:12 na kaya after snack na lang, marami pa akong kailangan gawin, buhay naman oh, maliligo, magtotoothbrush, mag-gegel ng buhok, hayy ang hirap talagang maging gwapo..

Pagkatapos ko maligo pinagmasdan ko muna ang abs-cbn ko.. "ohh, gwapo ko talaga, sino bang babae ang hindi magkakagusto sakin? Gwapo na nga, matalino pa.." sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin..

Natauhan na ako, tiningnan ko yung orasan, almost 9:25 na, madami pang oras, mabuti nga 9:50 pa ang taposan nang snack pero kailangan kong pumasok bago magtapos ang snack para hindi halata..

Nandito na ako sa campus, mabuti nga wala yung guard, nagsnack yata, dumiretso na ako sa classroom, mabuti naman dry na ang buhok ko, wala pang katao-tao dito sa classroom, aba'y mabuti naman, bakit ba tinatamaan ako nang swerte ngayon?..

Isabella's POV

Pagkatapos ko magayos-ayos nang sarili, sinaksak ko na ang earphone ko sa ilong, at agad na akong pumunta sa classroom, marami pa namang oras pwede pa ata ako matulog, inaantok pa ako, kunti lang ang tulog ko kagabi e..

Nung nandon na ako sa tapat ng pintuan ng classroom namin bumungad sakin ang isang kalabaw, hindi ko na sya pinansin at pumunta na lang sa upuan ko at nagpretend sleeping..

Kahit anong sabihin niya hindi ko maririnig dahil nga naka earphone nga, di ba ako?..

Umidlip muna ako dahil parang hindi pa dumadating si Sir, wala akong madinig e..

"Isabella gising..hoy gising" narinig kong sabi ni 'hindi ko kilala, nakakadinig na ako kasi may timer yung pagtugtog ng music sa cellphone ko..

Pagtingin ko kung sino yung 'panira ng masarap kong tulog' ahh, it's just the bakulaw..
"problema? " tanong ko pero ang tono ng pagkasabi ko yung parang pang inosente..malamang bagong gising e..

"Sa dance room daw tayo, sinabihan lang ako nang Shae, di ko alam kung bakit"
Shae, also one of our classmate.
"Sige, wait lang, sabay tayo" as I say in a innocent voice.. Sasabay na lang ako sakanya, kami na lang ang nandito sa room e, nandon na sila lahat sa dance room..

Habang naglalakad papunta sa dance room, walang nagsasalita saming dalawa, siguro naalala niya yun, e hindi naman siya lasing nun, kailangan ko lang magpretend na hindi ko alam para hindi awkward, just move on, girl..

"Ito na ang last performance output niyo sa 4th quater dahil baka pumunta ako sa Japan, next week" sabi ni Ma'am..

"Huh? Talaga Ma'am, pasalubog ha! " pagbibiro naman ni Alyanna, isa sa mga classmate ko, napangiti naman si Ma'am Ramirez..

Reunited With Him [DELETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon