Chapter 1 - 11:11

8 0 0
                                    

My 11:11

- that hope feeling I get when I know something is not going to happen or very impossible to happen but still wish for it . 11:11 makes me believe in something that others doesn't believe it will happen .

  It's been 6 months since I got to know you . 6 months na para akong tanga kakasunod sayo . 6 months . 6 fucking months na akong naghihintay sa oras na 11:11 at humihiling na sana mapansin mo na ako . Mapansin mong sunod ako ng sunod sayo . Hinihiling kong mapansin mo ako habang nakatingin sa litrato mo . 

Maniniwala ka ba na kapag sinabi kong sa 6 na buwan na yun nahulog ang loob ko sayo . No , scratch that . Sa 6 na taong pagsunod sunod at pagtitig ko sayo sa malayo man o malapitan , minahal kita . Tang inang yan , minahal kita sa loob ng 6 na buwan lang ! Ang funny noh ? Akala ko kasi sa break up lang merong 6 month rule . Pero shit , applicable din pala yun kapag nainlove ka no ?

Bago kita makilala , normal na tao lang naman ako eh . Normal lang naman ang buhay ko . Pero simula nung nakita kita sa mall , nagbago ang takbo ng buhay ko . Nag-iba ang ikot ng mundo ko .

Dati wala akong pakialam sa facebook, instagram at twitter . Pero alam mo ba simula nung makita kita sa mall , hinanap kita sa facebook , sa instagram at twitter . Finollow kita sa lahat ng SNS mo . Funny eh ?

Obsession na ba to ? Feeling ko naman hindi eh . Feeling ko normal lang to sa taong in love , kagaya ko .

Masaklap lang talaga ang kapalaran ko . Alam mo kung bakit ? nainlove ako sa taong hindi naman alam yung existence ko . Siguro nga wala din siyang pakialam kung humihinga pa ba ako . Masakit yun siyempre . Ikaw , kilalang kilala kita pero ako ? Hindi mo kilala . Suck laugh right ? Hindi mo ako kilala kasi nasa gitna ako ng napakaraming taga hanga mo .

Kasama mo ako sa lahat ng bagay . Kasama mo akong naging masaya sa twing nagtatagumpay ka . Kasama mo akong umiiyak dahil sa saya . Kasama mo din akong umiyak dahil sa nasaktan at nadapa ka minsan . Kasama mo akong bumangon sa pagkalugmok at hinarap ulit ang hamon ng buhay , Kasama mo ako sa lahat ng iyon . Hindi mo lang alam kasi hindi mo ako kilala . Pero okay lang basta ang alam ko , mahal kita kaya susuportahan kita .

Okay na sana ang lahat kaso biglang bumalik yung first love mo . Napa 'holy shit' na lang ako . Pero ano bang magagawa ko di ba ? Pakiramdam ko isa lang naman akong extra sa kwento niyong dalawa .

Nung bumalik siya , bumalik din yung sigla at saya ng mga mapupungay mong mata . Bumalik ang ngiti sa iyong labi na hindi mabibili ng kahit na sinuman .

Masaya ako para sayo . Alam kong masaya ako pero hindi ko maiwasang magalit , mainggit , magselos at masaktan .

Pero ano nga ba ulit ang magagawa ko ? Wala hindi ba ? Kasi hindi ako ang bida sa kwentong ito . Hindi ako nag eexist sa paningin mo . Walang ako . Walang ako sa mundo niyo .

Nawitness ko din kung paano mo siya ipinakilalang girlfriend mo . Napa 'shit' na lang ako . Kasi ang sakit eh . Asan ba siya nung kailangan mo siya ?

Kagaya ko din ba siya na sinuportahan ka sa malayuan o bumalik siya kasi alam niyang successful ka na ?

Sana ako na lang yung yakap mo . Sana ako na lang yung ipinakilala mo . Sana ako na lang yung hinalikan mo . Sana ako na lang yung ka holding hands mo . Sana ako na lang ang dahilan ng kasiyahan mo . Sana ako na lang yung mahal mo . Sana ako na lang . kasi ako ? Hindi kita sasaktan . Hindi kita iiwan katulad ng ginawa niya .

Pero ano ba ulit ang magagawa ko . Kung kumpara sa kanya , walang wala na ako . Wala akong panamana . Wala eh siya yung mahal mo at kahit kailan hindi magiging ako yun . Hindi ako magiging siya at hindi ko kayang buoin ka katulad niya .

11:11Where stories live. Discover now