•Narrative•Alas singko y medya ng hapon nang matapos kami ni Arrow sa pagp-practice ng pagbabatuhan ng linya at pag-acting. Hindi man lang ako nakaramdam ng pagod. Sa totoo lang, masaya ako ngayon dahil nakikita ko na mas nag-i-improve na si Mokong.
Kasalukuyan kaming nasa abangan ng jeep ni Arrow. Magkaiba kasi ang ruta at lugar ng tirahan namin kaya magkaiba ang sasakyan namin. Kanina ko pa nga siyang pinipilit na sumakay na pero ayaw pa daw niya. Hihintayin na daw muna niya akong maunang makasakay ng jeep bago siya.
Infairness, may itinatagong kabaitan at sweetness ang Mokong.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkukwentuhan habang naghihintay nang may biglang umakbay sa akin.
"Jeron! " napahawak ako sa dibdib ko. "Nakakainis ka, nagulat ako sa'yo! "
"Tara na, sumabay ka na sa amin umuwi. " aniya at napakunot ang noo ko.
"Sa inyo? "
"Oo. Tara na, huwag ka nang umarte pa. Oh, tapos na palang bumili sina Tenecius, e! " malakas na sabi niya at pinagdiinan pa talaga ang salitang Tenecius.
Toyo talaga.
"Chubby cheeks, may kasabay ka na pala, e. Una na ako, ha? Babye! Ingat, Babe! " pagpapaalam sa akin ni Arrow na nakalimutan kong kasama ko nga pala.
Buset talaga iyon! Iniwan ako sa piling ng mga lalaking 'to!
Hindi pa nga ako pumapayag na sumabay, e.
"Hala, umuulan!" bakas ang pagkabahala na sabi ni Sam, isa sa mga kabarkada nina Jeron at Tenecius. Agad ko namang inilabas ang payong ko at binuksan.
Nang inilibot ko ang tingin ko ay namataan ko na magkagrupo-grupo na rin ang mga kasabay kong lalaki sa pagkakasilong sa payong. Nakakatawa nga dahil halos hindi na tumalab ang payong at nababasa na sila dahil sa sobrang dami nila sa dalawang payong.
"Tenecius, doon ka na! Nahiya ka pa! " narinig kong sabi ni Robert, isa sa mga kasama sa barkada at biglang itinulak si Tenecius.
Hala, toyo talaga 'tong mga lalaking 'to! E 'di nabasa 'yong kaibigan nila!
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at lumapit sa kinaroroonan ni Ten at isinilong siya sa payong ko. Nang nilingon ko siya ay kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha niya.
Inilipat ko naman ang tingin ko sa kabilang payong at nakita na malalawak na pala ang ngiti ng mga paksyet habang nakamasid sa amin. Ano pa nga ba't pinagkaisahan na namin kami ng mga ito. Pulos kalokohan at hindi na nagbago.
Hinayaan ko na lamang sila at tumingin na lang sa daan para mag-abang ng jeep. Maya-maya pa ay narinig ko ang pagtikhim ni Tenecius. Parang hindi mapalagay. Baka nababasa na siya?
"Ay hala, sorry! Nababasa ka na yata. " ani ko at ibinaling ang payong sa kanya ng bahagya.
Nagulat ako ng naramdaman kong nakapatong na pala ang kaliwang kamay ni Tenecius sa kanang kamay ko na nakahawak sa payong. Nagtama ang tingin namin at feeling ko ay nagtagal din 'yon ng mga 5 seconds. Parang walang gustong bumitaw sa titigan.
Napigil lamang ito nang nagsalita si Ten. "Akin na itong payong. Ako na ang maghahawak at baka nangangalay ka na. "
Tumango na lang ako at hindi na nakasagot pa. Nagpaubaya na lang ako sa kanya. Hindi ako makapag-isip ng ayos dahil sa hindi ko malamang dahilan.
Saka, hello! Ang lamig-lamig ng panahon dahil nga umuulan pero heto ako ngayon, nararamdaman kong nag-iinit ang mga pisngi ko.
Anong nangyayari sa akin?! Can somebody explain it to me?
Pagkatapos ng pagsasalita niya ay bumalik kami sa titigan portion namin. Parehas na naniningkit ang mata namin habang nakatingin sa isa't isa, focused na focused. Parang gumawa kami ng kasunduan na ang naunang mag-iwas ng tingin ang siyang talo.
"Pst, mga kuting. Tama na 'yan at may jeep na. "
Umakyat ang dugo sa pisngi ko dahil nahuli pala kami ni Jeron. Dali-dali akong sumakay ng jeep at pinabayaan na si Tenecius kung saan man siya naroroon.
Bahala na siyang mabasa ng ulan!

BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
Teen FictionPart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...