-4-

15 0 0
                                    


Makalipas nga ang limang taon ay naging kami. Mag-iisang taon na nga kami ni Carlos this coming July 16, birthday ko kasi no'ng sinagot ko siya. Masaya naman kami. Sa simula nga lang.

Sa simula lang kami naging masaya dahil makalipas lang ang ilang buwan ay nagkakaaway na kami. Nagseselos ako, gano'n rin siya, lalo pa't napapalapit ako sa boss namin. Siya naman ay na-promote sa kanyang trabaho, nawawalan na siya ng oras sa'kin at ang nakakainis? Nakikita ko na minsan ay may kasabay siyang babae tuwing lunch! Pero never akong nagsalita. I never talk to him about those stuffs. Natatakot kasi ako. Paano kung magalit siya? Tapos hiwalayan niya ko?

Kahit kami na ramdam ko naman e. Kahit halos anim na taon na alam ko pa rin, alam kong si Mica pa rin. Parehas sila ng pinapasukang trabaho. Halos araw-araw kung magkasalubong sila. At 'yong babae na palagi niyang nakakasama sa lunch? Si Mica 'yon.

Minsan nga umiiyak na lang ako-- mali pala, madalas pala akong umiyak. Nakikita ni Nanay lahat ng pag-iyak ko. Naririnig niya lahat ng hinanakit ko. Alam niya lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Kapag nasa bahay si Carlos tahimik lang si Nanay. Unti-unti na rin kasing lumalayo ang loob ni Nanay kay Carlos dahil nga sa mga sinasabi ko sa kanya.

"Sabay na kasi tayong mag-lunch! Please? " Sabi ko habang nakatingin sa kanya. Mula sa malayo ay nakatanaw ako sa kanya-- sa kanila ni Mica. Pinipilit ko na nga lang na 'wag pumiyok baka kasi mahalata niya ang mahina kong pag-iyak.

"Mamayang dinner na lang Shishi please? May ginagawa pa kasi ako. " Matapos sabihin 'yon ay pinutol na niya ang tawag ko.

Tuluyan ng lumakas ang pag-iyak ko. Nasa loob ako ng taxi na sinakyan ko kanina. Kita ko kung paanong mapatingin si manong sa'kin na tila nag-aalala dahil sa hitsura ko ngayon. Basa ang buo kong mukha, magulo ang buhok ko at namamaga na ang mga mata ko. Kita ko ang repleksyon ko mula sa salamin ng sasakyan na ito.

"Madam? Aalis na po ba? " mahina akong napatawa dahil sa tinawag niya sa'kin.

"Maka-madam ka naman manong! Ano po sasabihin ko na lang kung saan basta po paandarin niyo na. " Umiiyak pa rin ako pero kahit papa'no ay gumaan saglit ang pakiramdam ko.

Dumaan ang gabi. Hinintay ko siya sa bahay namin pero walang Carlos na dumating. 3:46 am na pero wala pa rin siya. Ang sabi niya 10:30 daw baka nandito na siya. Baka 10:30 siya ng umaga dadating?

Kanina pa ko tawag nang tawag sa kanya pero hindi naman niya sinasagot. Pati mga text ko hindi niya rin yata sasagutin!

Sa huling pagkakataon, bago ako tuluyang matulog ay tinawagan ko siya. Nag-aalala na rin kasi ako dahil kanina pa siya walang paramdam. Baka kung ano ng nangyari sa lalaki na 'yon!

Nagulat ako nang sa wakas ay sumagot na rin siya. "Hello? Carlos? "

"I'm sorry? Sino 'to? Sheena is that you? I--"

Si Mica...

Pinatay ko na agad ang tawag. Bigla na kasing bumigat ang paghinga ko. Parang baso na unti-unting nahulog ang puso ko. Nabasag iyon. Halos hindi na mabuo pa.

Kinabukasan ay maga ang mga mata kong pumasok. Kahapon kasi ay hindi ako nakapasok dahil sumakit ang ulo ko-- ang totoo niyan ay sadyang pinuntahan ko lang talaga si Carlos.

"O Sheena nandito ka na pala? Okay ka na ba? " nag-aalalang tanong ni sir Arnold. Napangiti lamang ako sa kanya at napatango.

"Gano'n ba? Sige punta na ko sa office ko. Sabihin mo lang kung sumasama na naman ang pakiramdam mo para mapauwi kita kaagad. "

"Opo sir, thank you po, " magalang na sabi ko.

Mabuti na lang at sinuwerte ako sa pinagtrabahuan ko. Mabuti at sa mabait na amo ako napunta. Kaya siguro umaasenso ang restaurant na 'to ay dahil mabait ang nagmamay-ari dito.

Matapos ang araw na 'yon ay napagpasyahan ko na ring umuwi. Pagkadating ko ay nakita ko si Carlos. May dala ulit siyang mga bulaklak gaya ng dati. Si Nanay ay naroon lang sa gilid, nakaupo sa iisang sofa kung nasaan rin si Carlos, nanonood lamang siya sa tv namin.

Napatingin si Carlos sa gawi ko. Naroon ang ngiti niya, samantalang ako gusto ko na lang umiyak ngayon. Parang ayokong lumapit sa kanya. Natatakot akong tuluyan ng mabasag ang puso ko.

"'Nay... " sumulyap ako kay Nanay tila nanghihingi ng tulong sa kanya.

Humakbang palapit sa'kin si Carlos, naguguluhan ang kanyang mga mata. Umiling lamang ako, umatras sa kanya. Natatakot talaga akong lumapit sa kanya! Hindi ko alam kung bakit pero natatakot ako! Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Nangingilid na rin ang mga luha ko, kaunti na lang ay babagsak na ang mga 'yon.

"Shishi? "

"'Wag kang lalapit p-please? " tuluyan na akong napiyok. Nagsilabasan na ang mga luha ko. Hindi ko na sila napigilan pa.

"Carlos mabuti pa siguro bumalik ka na lang bukas. " Sabi ni Nanay at tuluyan na siyang lumapit sa akin.

"Pero Tita? "

"Sige na bumalik ka na lang bukas, " muling sabi ni Nanay.

Ako naman ay tahimik lang na umiiyak. Hindi ako nagsasalita. Ayokong magsalita dahil alam kong mag-aaway lang kami.

"Sige po, Shi, Tita una na po ako. " Matapos magpaalam ay umalis na agad siya. Iniwan niya ang bulaklak sa aming sofa.

Pagkasara ng pinto. Sa pag-alis niya. Doon na lumabas ng tuluyan ang mga luha ko. Lumakas pa ang pag-iyak ko habang nakayakap ako kay Nanay. Wala siyang sinasabi, nakayakap lamang siya.

"'N-Nay m-mali b-bang t-tinanggap k-ko s-siya? "

"Hindi anak, hindi... " umiiyak na rin si Nanay.

Kung hindi, bakit? Bakit pakiramdam ko mali? Maling-mali...

---

Two to three chapters to go? Thanks for reading! 😘💕

Friend of Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon