Ang yung pagluha ay parang pag patak ng ulan
Maraming naaapektuhan.
Kasabay ng mga damdaming naguguluhan na tila ba walang katapusan, walang hangganan at walang kasiguraduhan.... Ang mga tanong na hanggang kailan?? Ngunit tila walang kasagutan...
Walang kasagutan kung handa kapang balikan at kung meron pa bang aasahan...Matagal na akong nagsisisi
Matagal ng iniwan ang mga tili sa aking mga labi
Ngunit wala paring nangyayari
Pilit na ibinabalik ang dati
Abutin man ng hating gabi
Wala ka parin saking tabi
Ito na ba ang huli??Yung tipong tayo dati ang magkasabay
Nagkakasundo sa lahat ng bagay
Laging magkaramay
Anumang problema sa buhay
Pero hindi na kita mahihintay
Dahil nakita kitang may kaakbay
Na tila magkahawak pa ang mga kamay
Masaya habang naglalakbay
Sumasabay sa agos ng buhayKahit sa likod ay may naghihintay
Kasabay ng mga luhang pumapatak sabay pahid ng kamay
Habang lumalabas sa bibig ang mga katagang muli mo nanaman akong pinatay.
BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing House
PoetryFilipino poetry at pinaghuhugutan