KABANATA 1

528 5 0
                                    

'Dahan dahanin lang natin Sabrina, kaya natin to. Pagkatapos ng lahat na ito matatapos na ang lahat ng paghihirap mo!' sigaw ng isang munting boses na nagmula sa likurang bahagi ng ulo ni  Sabrina na agad nya namang sinunod.

Gamit ang binasag niyang salamin, hinay-hinay niyang iginilit ang sariling pulso upang tapusin ang kaniyang buhay.

'Sige pa Sabrina! Diinin mo pa ang pag hiwa ng iyong pulso at sa gayon ay matapos na ang pagdurusa mo sa mundo!' sigaw ulit ng boses kanina

Ipinagpatuloy niyang saktan ang kaniyang sarili hanggang nagsimula nang dumugo ang kanyang sugat. Napunta ang dugo sa kanyang  suot na pang ospital na bestida hanggang tumulo na ito sa malamig na sahig ng kaniyang kwarto.

Dahan-dahang napa upo ang dalaga sa mabilis niyang pagkahilo. Nagsimula nang manuyo ang kaniyang lalamunan at pilit niyang dinarasal na sana walang pumasok sa kanyang silid upang sumaklolo sa kanya. Sana wala na, sana tapos na ang lahat ng paghihirap niya. Ngunit sa hindi inaasahang panahon, bumukas ang pintuan ng kang kuwarto. Lulan nito ang kaniyang nakababatang kaibigan na si Sofia.

Naihulog nito ang dala-dalang pagkain at mga bulaklak na alam niya kung sino ang nag-ayos. Kumaripas ng takbo ang huli at nagsisigaw upang humingi ng tulong. Pilit nitong pigilan ang patuloy na pag-agos ng preskong dugo mula sa kaniyang pulsohan. Tinatapik nito ang kaniyang pisngi at napaiyak na ito sa pag-aalala.

Umiikot ang kaniyang paningin kaya kusang pumikit ang kanyang mga mata at  nawalan siya ng malay. At bago ito nangyari, may ramdaman niyang may lumandas na luha mula sa kanyang pisngi.



ISANG puting kisame ang bumungad kay Sabrina sa pagbukas ng kanyang mga mata. Napaiyak siya sa pagkadismaya dahil sa pagka udlot ng kaniyang minimithi. Natarantang napabangon ang kanyang kaibigan na si Sofia na agarang tumawag ng doktor upang ipaalam na gising na si Sabrina.

"Sab, maawa ka naman sa sarili mo. Hwag mo namang gawin ulit 'yon. May pag asa pa Sab, so please stop making this hard for the both of us especially for yourself. Ilang hiwa na ang ginawa mo sa pulso mo. Kasalanan yan Sabrina!" litanya ng kanyang malapit na kaibigan habang hawak-hawak nito ang kaniyang mga kamay.

Ibinaling niya ang kanyang ulo upang maiwasan ang tingin ng kanyang kaibigan sabay sabing, "I'm helping myself to die already, I'm tired Sof, ayoko na. Gustong-gusto ko nang makita sila Mama at Dada. Hirap na hirap ako! You can't understand me kasi meron kang buong pamilya! Wala kang sakit Sofia na pilit mong nilalabanan kahit alam mong wala ka nang pag-asang gagaling!" 

"Listen to me Sabrina, you are going to live. My parents will support your medications until this shits will get through. They are neurologist hahanapin nila ang solusyon ng sakit na ito. So please hold on for me please." pagmamakaawa ng kaniyang kaibigan.

Napapikit nalang si Sabrina at pilit iniintindi ang sinasabi ng kaniyang kaibigan.

"SIR THE group of gods from the first star had arrived. Naghihintay na po sila sa conference room." wika ni Alexandra ang nag-iisang sekretarya ni Zacharious.

Zacharious, matapang, makisig, gwapo, mayaman at higit sa lahat kaya niyang pikutin ang isang hamak na mortal na babae sa isang gawi niya lamang.

"Tell them I'm gonna cancel our meeting this time." siya habang inaayos ang kanyang mga gamit sa mesa.

"But Sir, they were waiting for you for an hour---" naputol ang sinasabi ng kaniyang sekretarya ng maramdaman niyang hindi na siya makahinga. Napatingin siya sa mga mata ng kaniyang pinagsisilbihan. Kita niya ang pagkabago ng mga mata na mula sa mapusyaw na kulay asul, naging kay dilim ng kulay pula ang mga mata nito. Dahilan ng pagkapawis niya ng malamig

"Gagawin mo ang sinasabi ko, o makikita mo nalang sarili mong nakahandusay at hiwalay na ang iyong espirito mula sa katawan mo?" ngumingising ani bi Zacharious. Hinigpitan niya pa lalo ang pagsakal ng kaniyang kawawang sekretarya. After satisfying himself, binitawan na muna nya ang kanyang sekretarya.

"I'm gonna go to the hospital. And don't make a mess again because if you do, mas mabigat pa ang ipapadanas ko sayo." sabay nito ang patuloy na pagdilin ng pagpula ng kaniyang mga mata na tiyak na kinatakutan ng kaniyang sekretarya.

"I-i'm s-so s-sorry sir, hindi na po mauulit." ani nito habang nakayuko at siyang ikinaangat ng gilid ng kanyang mga labi.

Zacharious left his building with pride and power. Ang lahat na nakakasalubong nya ay tiyak na yuyuko o kundi babati at bibigyan siya ng samut-saring papuri. Walang makakatalo sa kaniyang kapangyarihan dito sa mundong ating ginagalawan. Zacharious the great and the powerful. God of power and wealth. Hari ng ikalimang araw ng Dercosia na patuloy na nanakop sa karatig na mga lugar upang mapalago ang kaniyang nasasakupan.

While starting the engine his phone suddenly rang.

"What?" he answered without knowing who is it.

"She finally incarnated God Zacharious."

AUTHOR'S NOTE

I don't want to continue this story but when nang umabot ng 5 reads gumana 'yung utak ko bigla bwahaha so continue reading guyyys and enjoy your holy week with your family xoxo.



The God Has FallenWhere stories live. Discover now