"EWAN ko Nigel, hindi ko rin alam," nanginginig na ang buong katawan ko sa sobrang galit.
"Anong hindi mo alam? Kanina naman ok ka, kanina OK tayo diba?"
"Akala ko rin OK ako e. Akala ko OK tayo," tiningnan ko ang mga mata nya.
Hinawakan nya ang braso ko, na para bang sakin nya kinukuha ang lakas nya. Tiningnan nya rin ako, mga tingin na nagtatanong kung anong ibig kong sabihin, mga tingin na naghahanap ng kasagutan sa sinabi ko.
Lumunok ako at saka idinako ang tingin sa kamay nyang nakakapit sa braso ko.
"Akala ko OK tayo sa ganitong sitwasyon, yung aalis ka tapos maghihintay ako, pero hindi pala. Hindi ko pala kaya. Ang hirap. Napapagod na ko."
"Bakit? Diba sabi mo dati kaya mo, kakayanin mo? Ilang taon ng ganito yung sitwasyon natin, bakit ngayon pa?"
"Yun na nga e," sunud-sunod ng pumatak ang luha sa mga mata ko. "Ilang taon na tayong ganito. Nahihirapan na ko."
Hinila nya ko palapit sa kanya, niyakap ako ng ubod ng higpit. "Wag naman ganto Vega, wag ganito."
Nararamdaman ko ang lungkot sa mga salitang yun. Hindi umiiyak si Nigel, kahit kailan hindi ko s'ya nakitang umiyak. Kahit sa mga oras na to, hindi sya umiiyak pero alam kong dinudurog ko ngayon ang puso nya at alam ko na nasasaktan ko sya.
"Gusto ko na maging masaya, ayoko ng ganito, hindi ko na kaya."
Inalis nya ang pagkakayakap sakin. "Nagsinungaling ka lang nung sinabi mong kaya mong maghintay?" lumunok sya saglit. "Hindi ka kagaya nila diba? Sabi mo di mo ko iiwan? Anong kalokohan to?" pasigaw na ang mga sumunod na pangungusap.
"Ilang taon akong naghintay!" pasigaw ko ring sagot. "Pagud na pagod na ko na maging second choice lang. Lagi na lang yang, put—" natigilan ako ng mapagtantong masamang salita na ang lalabas sa bibig ko. "Yang trabaho na yan. Nigel, pwede ba kahit isang beses lang, ako naman ang piliin mo? Ilang taon kong pinangarap na sana, sana sapat na ko para manatili ka dito. Sana mas lamang yung pangungulila mo sakin kesa sa pangarap mo. Sana kahit minsan pangarapin mo rin ako."
Sandali kaming tumahimik, naririnig ko ang paghinga nya kasing lakas ng pagkakarinig ko sa tibok ng puso ko.
Pinunas ko ang mga luha sa pisngi ko. Tinitigan ko sya ulit. "Nigel,"
Tumingin sya sakin. Wala akong mabasa sa mga mata nya. Unang beses akong nakaramdam ng takot habang nakatingin sa kanya. Nilakasan ko ang loob ko, gusto kong malaman ang lahat. Bumuntong hininga ako. "Kahit minsan ba pinangarap mo rin ako?"
Muling binasa ng luha ang mga pisngi ko habang pinagmamasdan syang umiiling. Hindi nya ako pinangarap. Kahit kailan.
BINABASA MO ANG
Stars in the Sky
RomanceNakipaghiwalay si Vega sa halos apat na taon na nyang seaman boyfriend na si Nigel. Tatlong taon din ang lumipas ng muli silang magkita, wedding coordinator na si Vega at sya ang mag-aasikaso ng kasal ng dating nobyo. Nasasaktan sya pero ginagawa ny...