Chapter 1

24 1 0
                                    

Naka-upo ako sa isa sa mga upuan na nakakalat sa loob ng isang mall. Kasama ko sya, ewan ko kung paanong katabi ko sya ngayon. Nakapatong sa hita ko ang dalawang libro na nabili ko at nakasukbit naman sa kaliwang balikat ko ang shoulder bag na kakabili ko lang last week. Hawak ng kanang kamay ko ang isang papatunaw na na ice cream. Mahigit tatlong taon na rin mula ng huli kaming magkita. Mahigit tatlong taon na rin nung huli naming away na naging sanhi ng paghihiwalay namin ng landas.

Seaman sya. Nakapagtravel na marahil sa bawat sulok ng mundo kahit na technically wala namang sulok ang mundo. Pangarap nga yun, isang pangarap na unti-unting sumira sa mga pangarap kong makasama sya habang buhay.

“Matakaw ka pa rin?” nakangising tanong nya.

Aba! Sira to a? Unang katanungan kalokohan agad? Ngumiti ako at saka tinaasan sya ng kilay.

“Oh? Bakit badtrip ka na agad?” nakangisi pa rin sya.

“Gusto mo sapakin kita?” pagbabanta ko.

“Ako pa sasapakin mo ha? Parang ang laki laki ng katawan mo a?”

Dumila ako.

Tinitigan nya ko ng matagal at saka bumunot sa bulsa nya ng panyo. “Oh, punasan mo yang bibig mo, puro ice cream.”

Napangiti ako ng mapakla, dati hindi panyo ang binibigay nya sakin kapag may pagkain ako sa labi ko, yung labi nya, yung labi nya ang nagtatanggal. Ewan ko kung bakit naaalala ko pa rin ang lahat.

Ang lalaking to ang unang lalaking minahal ko at akala ko sya na rin yung huli. Ipinunas ko sa labi ko ang panyo. Napahigpit ang hawak ko roon, pamilyar sakin to, puti na may stripes na light blue sa bawat gilid, meron din akong ganito sa bahay. Ito siguro yung sinabi nya noon na kakambal ng panyong binigay nya sakin.

“Oy! Baka pati yung panyo kainin mo ha?” nilahukan nya yun ng malakas na tawa.

“Hanggang ngayon binu-bwisit mo pa rin ako!”

“Ang bilis mo naman kasing mabwisit e.”

Ngumiti ako. “Amm, kailan ka pa pala umuwi?”

“Last week.”

“Ngayon ka lang umuwi?”

“Hindi, pang-apat na uwi ko na to.”

Pang-apat na uwi na nya pero ngayon lang nya ko hinanap.

“Pano mo nalamang nandito ako?”

Ngumiti sya. “Instinct.”

“Hmm. So after more than three years, ngayon lang gumana instinct mo?”

“Teka, ikaw nga binlock mo ko sa lahat ng internet accounts mo e, tapos nagpalit ka pa ng number,” nakangiti pa rin sya.

Tumawa ako. “Sa bagay.”

“Kamusta ka na?” seryosong tanong nya.

“OK lang, wedding coordinator na ko,” kinikilig na kwento ko.

“Talaga?” tumingin sya sa sahig at dahan-dahang tumango.

“Sa Maynila pa rin yung trabaho ko, mas mabigat kesa dati pero mas masaya.”

“Anong pangalan ng company mo?”

“Be That Bride.”

Tumango sya ulit.

“Ikaw? Kailan ka sasampa ulit?”

“Hindi muna siguro.”

“Bakit naman?”

Stars in the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon