Chapter 2

12 1 0
                                    

“MAGANDANG umaga ganda!” bati sakin ni Franz habang inilalabas ko ng garahe ang sasakyan ko.

Kapitbahay namin sya, photographer din sya sa kanya ko pinapasa yung mga kliyenteng hindi ko na kaya pang i-handle. Kasing edad ko lang s’ya, sabay kaming grumaduate pero magkaibang University.

“Magandang umaga bolero!” sigaw ko sa kanya. Itatas ko na sana ang bintana sa tabi ko ng lumapit sya at nag abot sakin ng bagong pitas na bulaklak mula sa bakuran nila.

Napangiti ako.  Inihinto ko muna ang makina. “Salamat, baka pagalitan ka ng mama mo, pumipitas ka ng bulaklak sa garden nya.”

Ngumiti rin sya, “Alam naman nya na sayo ko ibibigay e, botong boto yun sayo.”

Tumawa ako. “Talaga? Paki-sabi sa kanya salamat din.”

Sumeryoso ang mukha nya. “Birthday ko bukas.”

“Advance Happy Birthday! April pala birthday mo no? Shocks nakalimutan ko, sorry ha?”

“OK lang, Yayayain sana kitang lumabas e, bukas.”

“Saan tayo pupunta?”

“Mag didinner.”

“Ok, sige, uuwi ako bukas ng hapon.”

“Talaga?”

“Oo, ikaw pa, malakas ka sakin,” kinindatan ko sya at saka kinawayan. Pinagana ko muli ang makina at nagmaneho na.

------------------------------------------------------------------------------------------------------ 

GWAPO naman sya e, mabait at matalino pero bakit hindi ko sya gusto? Iniisip ko si Franz habang nag mamaneho ako, nakapatong sa ibabaw ng passenger’s seat yung binigay nyang bulaklak. Kung tutuusin, crush ko naman sya dati, kung hindi siguro dumating sa buhay ko si Nigel, siguro last year na inamin nyang matagal na syang may gusto sakin, baka naging mas madali ang lahat. Siguro kung wala si Nigel, matagal na rin nyang naamin sakin yung feelings nya. Masaya kaya ako ngayon kung si Franz ang nakatuluyan ko?

Bibigyan ko sya ng chance. Bibigyan ko ang sarili ko ng chance na mag move on.

---------------------------------------------------------------------------------------------------- 

TAWANAN ang umalingawngaw sakin pagdating ko sa lobby. Nakikipagtawanan ang ilan kong katrabaho kay Nigel. Gaya pa rin ng dati, napapatawa pa rin nya ang lahat.

Lumapit ako. “Ahem.”

Naglingunan silang lahat sakin.

“Vega,” bulalas ng isa kong katrabaho na para bang panandalian nyang nakalimutan ang pangalan ko at bigla na lang nyang naalala.

“Ako nga, so wala kayong mga trabaho?” taas kilay at natatawang tanong ko.

Tumahimik sila at nangingiting nag alisan.

Sinundan ko sila ng tingin. Nililingon nila ako at nagsisikindatan.

Malalandi tong mga to. Naiiling ako sa naisip.

Umupo akong muli sa tapat nya. Inilapag ang mga brochure ng mga cakes.

“Cakes, sir.”

Kinuha nya ang isa sa mga brochures. Binuklat yun at seryosong nagbigay ng mga gusto nyang maging design at flavor ng cakes.

“Gusto ko sana talaga chocolate cake yung wedding cake, iniisip ko tuloy kung anong flavor yung gagawin namin para naman dun sa mga mini cakes, sa catering.”

Stars in the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon