Chapter 3

10 1 0
                                    

“NAKIPAG-date ka kay Franz?” paulit-ulit na tinatanong ni Sam habang paulit-ulit din syang naglalakad sa tapat ko.

Sa mesa nya muli ako nakaupo.

Kumuha sya ng tubig sa ref at tumungga mismo sa pitchel, agad nya ring binalik iyon sa loob.

“Amm, Bessy, OK ka lang ba?” nag-aalalang tanong ko, sobrang aligaga kasi nya. Hindi pa naman siguro sya manganganak, 2 months pa lang yung tyan nya e.

Tumingin sya sakin ng masama. Lumapit sya, hinawakan ako sa magkabilang balikat at saka inalog.

“Aray! Ano ka ba?”

Tumigil sya at saka naupo sa upuan malapit sa kinauupuan ko.

“Nag iisip ka ba Vega?”

“Ha?” nagtataka na talaga ko sa kinikilos nya.

“Ayaw mo kay Franz diba?”

“Hindi naman sa ayaw, tsaka remember, crush ko sya nung high school. Tsaka single ako, single sya, I guess wala namang magiging problema.”

“Hindi mo na ba mahal si Nigel?”

“Ano ka ba? Mahal ko si Nigel, alam mo yan, dati pa, hanggang ngayon sya pa rin. Ayoko lang na pagkaitan yung sarili ko na maging masaya. Wala naman sigurong masama dun Bessy diba?”

Ngumiti sya. Nilapitan ako at niyakap. “Magiging masaya ka rin Bessy, nararamdaman ko yun. You just have to wait.”

Tumawa ako. "I did that before for almost four years, nothing happened."

 ---------------------------------------------------------------------------------------------------

“BY THE way sir, tomorrow may ipapakilala po ako sa inyo na photographer, he can do the pre-nup at yung sa mismong wedding,” nasa isang restaurant kami, doon nya ko pinapunta para pag usapan ang ilan sa mga kailangan sa wedding.

“OK, ang plano ko sana kasi may videographer na rin, can he do that?”

“Yes sir, magaling ang team ni Franz, di ka magsisisi.”

“Franz?” medyo kumunot ang noo nya.

“Opo, si Franz, yung kapitbahay namin.”

Ngumiti sya. “Oo, sya nga.”

Ngumiti na rin ako.

“Kamusta yung date mo?”

“Ha?”

“Hindi ka pa rin nagbabago, ha pa rin ang sagot mo sa mga tanong ko.”

Tumawa ako.

Nakatingin lang sya sakin. Sumeryoso ang mukha nya.

Tumigil ako sa pagtawa.

“Pwede bang kwentuhan mo ko sa naging date mo?”

Tumitig muna ako sa kanya. Yung itsura nya ngayon ay yung itsura ng Nigel noon na pipilitin akong magkwento sa kanya tungkol sa mga pangyayari sa buhay ko. Dapat ko ba syang kwentuhan tungkol samin ni Franz?

“Ok lang naman na magpa-kwento ako diba? Nag enjoy ka ba?”

Tumango muna ako. “Oo, nag enjoy ako.”

“Anong klaseng lalaki sya?”

Hindi sya kagaya mo. “Mabait sya, gwapo, pareho kami ng mga hilig, tsaka marunong syang maghintay, hindi sya sumusuko.” Hindi kagaya mo na mabilis akong isinuko

Stars in the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon