Status: #LoveTrapped!

27 1 0
  • Dedicated kay Rye Roger Tanigue
                                    

Chapter 1

Tammy's POV

Bumaba ako sa sasakyan, nandito na kami sa chapel. Bisita Iglesia, oras daw para humingi ng kapatawaran sa mga kasalanan. Naiisip kaya ng mga kaklase ko yung mga ginagawa nila sakin? Siguro kung iisa isahin yun, makakagawa na ng listahang mas mahaba pa sa mga pautang ng mga bumbay na nagpa5-6. Halos oras oras naman kasi nila akong pinagttripan, kahit saan nila ako abutan. Kahit saan ako mapadpad sakin nakabaling yung mga panghuhusga nila. Wala naman akong balat sa pwet pero ang malas malas ko pagdating sa kanila.

Naglakad ako kasama nila Mama, sinarahan kasi yung kalsada sa simula ng Stations of the Cross. Pero yung mga taong nadadaanan namin imbes na magrosaryo abalang abala sa pagpili ng mga panindang nakalatag sa gilid ng kalsada. Yung totoo? Semana Santa o Fiesta?

Marami na ding mga lalaki na nagpepenitensya at nagpapasan ng krus, nakakapagtaka nga lang na pagkatapos nilang magpakasakit mula Palm Sunday hanggang sa Black Saturday ay nagiinuman naman sila kapag Easter.

Dumating kami sa loob ng simbahan, kakaunti lang ang nagdadasal sa loob mas marami pa nga yata yung mga nasa tiangge sa labas.

Umupo ako sa may bandang likod nila Mama at lumuhod.

'Lord, sorry po sa lahat ng mga kasalanang nagawa ko. Sorry po na minsan gusto ko nang durugin yung mga bungo ng mga studyante ng St. Martin Academy. Yung gusto ko po silang balibagin ng tables and chairs. Yung gusto ko silang ihulog sa grinder ng basura para magkapirapiraso sila ng pinong pino. Yung babalatan ko sila ng buhay at pagugulungin sa asin at palalanguyin sa kumukulong kalamansi juice. At sorry po kung nilalagyan ko sila ng sungay sa tuwing makukuha ko yung class pictures namin. Sorry po. Patawarin Mo po sana ako. Amen.' sambit ko, tsaka ako nagsign of the cross.

'Sana naman po kapag magdadasal yung ibang tao sa tabi tabi hindi masyadong malakas, kasi natatakot yung ibang nakakadinig. Amen.' sabi ng boses sa tabi ko.

Dumilat ako at lumingon, isang lalaking nakaitim at nakacap. Maputi sya at matangos ang ilong, chinito din sya at medyo mahaba ang buhok. Gwapo sana kaso mukhang badboy at masyadong pakialamero.

'Edi dapat hindi ka nakinig.' bulong ko

'Hmm. Sigurado ka bang Katoliko ka? Sa takbo ng utak mo daig mo pa ang La Sallista.' sagot nya.

'La Sallista?! Baka satanista.' pagtatama ko sa kanya.

'Kahit ano pa yan, La Sallista, satanista, masahista. Basta di ka tao, yang utak mo pangmasamang espirito.' sabi ng mistisong unggoy na nasa harapan ko.

'Eh ikaw? Nasa loob ka ng simbahan pero nakasumbrero ka, maaraw ba?'

'Wala kang pakialam, gwapo kasi ako.' inayos nya pa yung cap nya.

'Ah, hindi pala maaraw. Mahangin.'

'It' s fashion.' epal nya sabay wink.

'Fashion fashion ka pa dyan, siguro tinatago mo yung sungay mo sa ilalim nyan!' tumayo na ako para sumunod sa mga magulang ko at magpunas ng panyo sa paa ng imahen ng Nazareno.

'Ang tagal mo naman. Ang dami mong nagawang kasalanan no!' buska ni Papa sakin.

Natawa nalang ako kasi totoo naman na ang tagal ko,kung hindi kasi daìhil dun sa lalaking yun.

Kinapa ko ang aking bulsa para kunin yung panyo ko kaso wala. Siguro nahulog sa daan. Why so careless Tammy?

'Ma, may extra kang panyo? Nawawala yung sakin eh, naiwan yata sa sasakyan.' kalabit ko kay Mama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Status: #LoveTrapped!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon