"Ang kwentong ito ay kwento sakin ng ex gf ko na nag aaral sa CAVSU (Cavite State University) sana magustuhan nyo."
“Ano ka ba, pag ang letter “V” ay nasa pagitan ng mga consonant ito ay binabasang letter “U” at pag ito naman ay nasa pagitang ng ng mga vowels o kaya naman ay sinusundan ng mga vowels, ito binabasang letter “V” - Maria
(AUTHORS NOTE: WARNING WAG NYO TRY BASAHIN ANG LATIN WORDA SA BABA)
MORITVM TE SALVTAMVS EST DEXTRVMI CVRITE AVE VERSVS CRISTVS VERVM DE TREVI
VERMI EST REFLEXVM ARVM DRI TRIPVM DEXTRVMI LENTENVM AVE SATANI
Eto lamang ang huling ala-ala ng kakambal kong si Maria bago siya namatay…
September 12, 2002… Tandang-tanda ko ang araw na ito. Ito ang sumunod na araw matapos bombahin ng mga terorista ang twin tower sa US noong nakaraang taon ng 2001. Ito rin ang araw kung saan ko huling nakasama pauwi ng bahay ang kakambal kong si Maria.
Mga bandang alas-kwatro y medja na ng hapon. Nakasakay kami ng kambal kong si Maria ng bus pauwing Cavite City ng may nakita siyang isang lumang wallet ng lalaki sa lapag ng inuupuan naming bus. Medyo luma na ang wallet na ito; kulay itim at medyo laspag na. May isang litrato sa loob. Tama kami ng hinala, lalake nga ang may may-ari ng wallet. Medyo may kalumaan na ang litrato. Malutong na ang papel at black and white or should I say brown and white pa ang kulay ng litrato. Bukod sa litrato ay mayroon ding mga nakaipit na tarheta (calling card) , papel na may sulat, reseta ng doktor, mga tickets sa bus at P78.
Wala naman talaga akong habol sa wallet maliban sa P78. Gusto ko sana ay paghatian naming magkapatid yung pera, pambili kahit man lamang ng burger. Ngunit iba si Maria. Sa aming magkapatid masasabi ko talagang mabait siya ng higit kaysa sa akin. Gusto niyang isauli namin ang wallet sa mayari dahil baka mahalaga raw ito sa kanya dahil nga may resetang nakaipit sa loob. Noong mga oras na iyon gusto niyang ibigay na lamang sa driver ng bus ang wallet. Kaya naman agad-agad akong nag-isip ng paraan upang huwag na niyang magawa ang binabalak niyang pagsaoli ng wallet sa driver.
“Para!”
Kahit mga dalawang kanto pa ang layo ng bababaan namin ni Maria ay pinahinto ko na ang bus. Dahil sa hindi pa handa sa pagbaba ay nataranta si Maria dali-daling inayos ang mga bitbit niyang gamit at bumunot ng pamasahe namin sabay bayad sa driver.
“Eto pong bayad, dalawa galing Tanza.”
Matapos magbayad at masuklian ay bumaba na rin siya.
“Ano ka ba Martha, dalawang kanto pa ang layo ng bahay natin dito sa pinagparahan mo”
Biglang bumalik sa akin ang sisi. Medyo may kalayuan nga talaga ang pinagparahan ko ng bus. Medyo naiinis na natatawa sa akin si Maria, galing kasi kami sa dorm noon at marami kaming dalang maruruming damit kaya naman may kahirapan nga talaga ang maglakad ng malayo.
“Tricycle!”
Lumapit ang tricycle. Una akong sumakay at sumunod naman si Maria.
“Sa Novero po”
“Ano ka ba Martha, kulang na ang pera natin pangtricycle”
“Diba may napulot kang wallet?, Ehdi yung pera muna dun ang gamitin nating pambayad sa tricycle. Palitan nalang natin paghumingi tayo ng pera kina mama.”
. . . . . . . .
“Dyan lang po sa may gate na blue.”
Binayaran rin ni Maria ang driver ng tricycle gamit ang pera mula sa napulot niyang wallet.
BINABASA MO ANG
Misteryo
Horror"My mga bagay dito sa ating mundo na hindi natin maipaliwanag." "Ang inyong mababasa ay base sa totoong karanasan ko oh, mga kwento ng mga taong malalapit sakin." "Lahat ng kwentong ito ay base sa totoong pangyayari, pinalitan ko ang pangalan para s...