“SI Nigel pala yung client mo, di mo man lang sinabi sakin,” sumandal si Franz sa kotse nya.
Nakatayo ako sa bandang bumper at dun ipinatong ang mga bitbit.
“Alam mo, ang hirap nyang maging client. Naalala mo kapag nagrereklamo ako sayo tungkol sa mga client ko? Mas malupit to.”
“Mahal mo pa rin kasi sya,” mataman ang tingin nya sakin.
Tumango ako. “Oo, ayaw mawala e.”
“Kailan mo kaya ako magugustuhan?”
“Gusto kita.”
“Bilang kaibigan?”
“Hindi, gusto kita Franz, gusto kita pero hindi kita mahal. Masaya ako kapag kasama kita, minsan inisip ko na rin na sagutin ka pero ayokong saktan ka kasi mula noon hanggang ngayon si Nigel pa rin.”
“Ang swerte naman nya,” umiiling sya.
“At ang malas ko,” natatawang sagot ko.
“Pareho tayong malas, nagmamahal sa taong hindi naman tayo mahal,” nginitian nya ko.
Umikot sya sa kabila at binuksan ang pintuan para sakin. Sinenyasan nya ko na pumasok na sa loob. Kinuha ko lahat ng gamit ko at saka naglakad palapit sa kanya. Kinuha nya ang mga bitbit ko at inilagay iyon sa likod.
Naupo ako, isasara ko na sana ang pintuan ng bigla nya iyong pigilan, lumapit sya at hinalikan ako sa pisngi.
Tinitigan ko lang sya.
“Pwede ko yun gawin bago ka bumaba sa kotse ko pero ginawa ko na ngayon, para may pagkakataon ka para magdesisyon at mag isip kung hanggang saan mo ko gusto.”
Umurong sya at binigyan ako ng daan, “Pwede kang lumabas kung gusto mo.”
“Isara mo na yung pinto, hindi ako bababa.”
Ngumiti sya.
Ngayong araw na to bibigyan ko ang sarili ko ng pagkakataon na kilalanin sya ng husto. Ngayong araw na to uumpisahan ko ng wag syang ihambing sa naudlot kong pag-ibig.
-----------------------------------------------------------------------------------------
Lumabas kami ni Sam, wala syang tigil sa kakaturo sa mga pagkain na madadaanan namin sa mall.
“Gusto ko talaga yun kainin,” nakanguso na sya.
“Bibilhin na nga natin diba? Ikaw naman tong umayaw. Halika balikan natin.”
“Wag na lang.”
“Ha? Ay grabe? Ganyan ba talaga mga buntis? Buti di ka binabatukan ni Paulo.”
“Kasi mahal nya ko, at anak kasi namin to diba?” tinaasan nya ko ng kilay.
“Malditang buntis.:
“Ikaw naman maladi,” nginusuan nya ko.
“Anong sabi mo?” natatawang tanong ko.
“May Nigel na, may Franz pa.”
“Hello, si Nigel may nobya yun, ex nya lang ako.”
“E si Franz, ano mo?”
“Kaibigan,” tipid na sagot ko.
“Kaibigan lang pala e, e bakit may kiss?”
Namula ako.
“Teka, kinwento ko ba sayo yung tungkol sa kiss?”
BINABASA MO ANG
Stars in the Sky
RomansaNakipaghiwalay si Vega sa halos apat na taon na nyang seaman boyfriend na si Nigel. Tatlong taon din ang lumipas ng muli silang magkita, wedding coordinator na si Vega at sya ang mag-aasikaso ng kasal ng dating nobyo. Nasasaktan sya pero ginagawa ny...