Lie About Us *One Shot*

19.2K 261 50
                                    

Author's Note:

Sequel po ito ng story ko na Reaching The Climax. Para hindi maguluhan ay basahin po muna ang part one. Maraming salamat po.

************************************************************************************************************************************************

Paano nga ba magmove-on?

Para sa iba kasi madali lang...

Yung iba gumagamit ng panakip butas.

May pang one week na move on...

At may pang less than 24 hours pa nga...

May nagsabi naman na keep yourself busy.

Divert yourself.

Mag-entertain ng mga manliligaw

Hang out with friends

Socialize

Dahil...

Sabi nila...

TIME HEALS...

Pero bakit ganon?

Sobrang tagal na...

Three years na nga,

gaano pa ba katagal ang TIME na yan?

Kasi...

Simula ng naghiwalay kami

Parang nandun pa din ang time.

Time kung saan nya ako iniwan.

Time na panahon na bawat paggising ko sa umaga. Sya pa din ang rason kung bakit araw araw nasasaktan pa din ako sa katotohanan na hindi na sya magiging parte ng buhay ko.

Buti na lang nandyan si CJ.

Ang kaisa-isang ala-ala na iniwan nya sa akin. Sya na lang ang masayang ala-ala na iniwan nya. Isang makulit na bata na lagi syang hinahanap. Na hindi ko naman masabi ang tunay na rason kung bakit wala ka sa amin ngayon. Ayoko na pagdaanan nya ang mga naranasan ko. Ang umasa at mag-intay sa wala. Kasi kahit anong pilit nating iayos ang lahat. Tulad ng sabi ng isang salawikain.

'Kung hindi ukol ay hindi bubukol.'

Matapos ang paghihiwalay namin ni Carlo. Para na syang multo na biglang naglaho. Wala ng balita ang barkada at pati na din ako. Tuluyan na nyang iniwan kung ano ang nag-uugnay sa amin. Kahit celfone numbers nga wala na. At ang mas malala pa. Binura nya sa Facebook at iba pang social networking sites ang mga photos at status na magkasama kami . Lahat ng memories na meron kami ay binura nya.

Hindi ko alam kung bakit ginawa nya yun. Para syang magnanakaw na sumasalisi sa buhay ko para kuhanin ang mga importanteng ala-ala sa buhay namin. Nasaktan ako sa ginawa nya. Ilang araw akong lumuha na parang wala ng bukas., dahil sa panghihimasok nya sa buhay ko. Hindi naman ako makapagreklamo dahil hindi ko pinalitan ang mga password ko. Dahil umaasa pa din ako na baka magbago ang isip nya. Kahit sigurado na ako na kailangan ng matapos ang kahibangan namin. Umaasa pa din ako na isang araw, babalik pa din sya sa akin.

Pero hanggang sa nanganak ako, wala pa din sya. Kaya nagsawa na ako sa pag-iintay.

Si CJ, ang nagpamulat sa akin na kailangan kong tanggapin ang mga nangyari. Doon ko naisipang magmove-on. Dahil higit na mas kailangan kong maging matatag para sa anak namin..

Hindi ko naman masabi na move-on nga ang ginawa ko. Dahil sa totoo lang pinagpatuloy ko lang ang buhay ko to be a better me. Dahil umayos ang buhay namin ng anak ko. Naging successful ako sa trabaho. Naibibigay ko ang pangangailangan ng anak ko.Pero yung MOVE-ON na tinatawag, MALABO.

Lie About Us *Short Story*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon