Tinawagan ko si Nigel pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay. Nasira na ang mood ko kaya naisipan ni Franz na iuwi na lang ako. Nagi-guilty ako pero alam ko na kailangan ko ng umuwi.
Sinagot nya ang tawag matapos ang apat na ring.
“Hello?” halatang galing sya sa pag-iyak.
“Bakit cancelled na?”
“Ayaw na nya e.”
“Ayaw nya saan?”
“Sakin.”
“Pano nya sinabi?”
“Basta.”
Sunud-sunod na ring pumatak ang luha sa mga mata ko. Ang bilis nyang sumuko. Ang bilis nya kong sinuko noon at ang bilis din nyang sinusuko ang babaeng ito ngayon.
“Umiiyak ka ba?” tanong nya sakin habang naririnig ko rin ang mga paghikbi nya.
“Oo,” tipid kong sagot.
“Bakit?”
“Kasi naaawa ako sayo. Kasi tanga ka. Kasi ang dali mong sumuko. Sinubukan mo ba syang habulin? Sinubukan mo bang baguhin yung desisyon nya? Ang bilis mong sumuko Nigel at naiinis ako sayo!”
Pinutol ko na ang usapan. Inilapat ko ang likod sa kama at hinayaan ang sarili ko na umiyak.
Nasa sala na si Franz pagbaba ko sa sala, nakabihis na ko, may pasok ako ngayon. Naka-itim akong shades, ayokong may makakita ng pamumugto ng mga mata ko.
“Halika na,” anyaya ko sa kanya.
“Hindi ka ba kakain?” sigaw ni mama ng makita nya ko,
“Sa work na lang po, ingat kayo dito.”
“Osige ikaw rin.”
Sinasadya kong wag yumakap o makipag-usap man lang sa mga magulang o mga kapatid ko pag nalulungkot ako, naiiyak kasi ako lalo at alam na nilang lahat yun.
Nasa kotse na kami ng magsalita si Franz.
“OK ka lang ba?”
Tumango ako.
“Umiyak ka ba?”
Tinanggal ko ang shades para ipakita sa kanya nag namumugto kong mga mata.
“Kawawa ka naman princess, ibibili kita ng ice cream mamaya,” nakangiting sabi nya. Pina-start na nya ang makina.
Ang nakakatuwa kay Franz, hindi nya tinatanong sakin kung anong problema. Kapag alam nyang kaya kong magkwento tsaka lang syang magtatanong pero kapag tahimik ako, ginagalang nya yun.
Nasa tapat na kami ng office. Bubuksan ko na sana yung pintuan ng bigla akong hilain sa braso ni Franz. Inilapit nya nag mga labi nya sa mga labi ko. Nakatingin lang ako sa mga mata nya, konteng maling kilos lang magtatama na ang mga labi namin.
Pumikit ako, hinihintay kong halikan nya ko pero naramdaman ko ang pagbitiw nya sakin at narinig ko ang pagbuntong hininga nya.
Dumilat ako. Malayo na ang mukha nya sakin. Nakatulala sya.
‘Napalunok ako.
“Lumabas ka na Veg, natatakot ako sa mga pwede kong gawin sayo.”
Nagmamadali akong bumaba ng kotse. Tumayo muna ako saglit bago ko isara ang pintuan.
“Susunduin mo ba ko mamaya?”
Tiningnan nya ko, tumango sya. “Pero bukas hindi na muna siguro, nahihirapan ako sa sitwasyong pinaglagyan mo sakin Veg. Ang hirap sa friend zone.”
BINABASA MO ANG
Stars in the Sky
RomanceNakipaghiwalay si Vega sa halos apat na taon na nyang seaman boyfriend na si Nigel. Tatlong taon din ang lumipas ng muli silang magkita, wedding coordinator na si Vega at sya ang mag-aasikaso ng kasal ng dating nobyo. Nasasaktan sya pero ginagawa ny...