chapter 8

28 1 0
                                    


Love at first sight

ISAY POV

Nakakainis talaga! Wala naman akong ginagawang masama. Tsk at ngayon pati sina kuya nadamay pa aish! Ang galing galing pang umarte ng babaeng to.

Flashback

Naglalakad na ako papasok room ng nahagip ng paningin ko ang isang babaeng binubully ng kapwa nya istudyante

"ANO?! LALABAN KA HA?!"sigaw ng babae sakanya. Nakayuko lamang ang babaeng binubully. Maya maya ay sinabunutan na sya ng mga babaeng umaaway sakanya. Naramdaman ko ang sakit para sa babae. Bakit hindi sya lumaban?

Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa tabi nila. Nagulat ang lahat at nasa akin ang tingin ng lahat. Bakit ba ako lumapit dito? Aish. Pero aatras paba ako? Nandito na ako eh kailangan kong panindigan areh

"Anong ginagawa nyo sakanya?" tanong ko sakanila.

"anong paki mo?" mataray na tanong saakin ng feeling leader nila

"May paki ako kasi tao ako" sabi ko. Lalong namula ang mukha nya at anytime ay papatayin nya ako. Lord pls tulong po huhuhu. Umupo ako ng bahagya para mapantayan ko yung babaeng binubully kanina

"Umalis ka na dito" nakangiting sabi ko. Pero deep inside kinakabahan ako. Hindi dahil sa naduduwag ako kundi ayokong mapatawag ako sa principal office nakakahiya Kay papa.

"P-pero pano ka?" nanginginig na tanong nya.

"Okey lang ako, umalis ka na dito at ako na ang bahala dito" nakangiting sabi ko ulit. Inalalayan ko na syang tumayo

"T-thank you"  mahinang sabi nya at saka tumakbo na palayo. Kaya naman naiwan nalang ako dito kasama ang mga bully na nasa harap ko ngayon

"Wow! Nay nagpapakabayani pala dito"  maarteng sabi nung leader na mukha namang clown sa kapal ng makeup nya

"Kung ako bayani ikaw naman clown" sabi ko. Nagtawanan lahat ng mga nanonood kaya naman mas lalong nagalit saakin si ate gurl

"EXCUSE ME AKO SI CHERRY MAE CHAVEZ AT WALANG SINO MAN ANG KUMAKALABAN SAAKIN!" sigaw nya saakin.

"anong nakikita mo tuwing napikit ka?" tanong ko sakanya.

"TANGA KA BA?! MALAMANG WALA!"sigaw nya nanaman. Hilig naman neto sumigaw aish

"Yan ganyan yung pake ko! Ibig sabihin wala akong pake kung sino ka man!" sabi ko sakanya. Nagtawanan nanaman ang lahat. Sinugod na ako ni cherry at sinabunutan hindi sana ako lalaban pero sumobra na sya kaya naman napalaban ako sakanya ng wala sa oras. Nagsabunutan lang kami ng Nagsabunutan ng awatin kami nina kuya..

End of flashback

Nandito lang kami ngayon sa office ng biglang dumating ang principal

"So among eksena yon Miss Marquez and miss Chavez?"tanong ng principal

"Bigla nalang nya po akong sinugod mam" kawawang sabi ni cherry. Kung wala lang dito ang principal kanina ko pa sya nasapak

"Totoo ba yon miss Marquez?" tanong ng principal

"Hindi po mam!" angal ko.

"Liar!" sigaw sakin ni cherry

"Kay bago bago mo lang dito miss Marquez, nanakit kana agad" dismiyadong sabi ng principal

"Yes mam, and you know what po nilait nya papo ako sa harap ng madaming tao huhuhu" iyak iyakang sabi ni cherry. Grabe wala akong masabi paano sya nakakapagsinungaling ng ganyan?

The Probinsyana Girl Where stories live. Discover now