Wrong Send

58 2 2
                                    

Nakasimangot si Serene ng dumating si Tris sa kanilang tagpuan sa bayan, bago pumunta sa bahay ng kaklase nilang si Larein. Reklamo agad ang sinalubong nila sa isa’t isa.

“Eh kasi naman, kagabi pa may nagtetext sakin. Ang kulit! Eh smart siya kaya wala akong pangreply…”

Umalis na sila at nagpunta na sa bahay ni Larein para gumawa ng assignment ng magtext ulit kay Tris yung unknown texter.

“Hays, ibigay mo na nga sakin yang number na yan at ng masabihang wag manggulo.” Sabi ni Serene. Tinawagan ni Serene yung number, at laking gulat niya ng lalaki ang sumagot at kung hindi siya nagkakamali ay halos magkasing-edad lang sila.

“Hi, miss. Ikaw ba si Mine, kasi I’m Yours?” Ito ang bungad kay Serene kaya naman sinabihan lang niya itong wag na ulit magtetext ngunit wala pang isang oras ay nagtetext na ulit ito pero hindi na kay Tris kundi sa number na ni Serene at tinatanong kung anong pangalan nya. Lumipas ang isang lingo at patuloy pa rin itong nagtetext kay Serene, kasabay nito ang pagsasabi niya ng ilang impormasyon tungkol sa kanya, gaya ng kung anong mga hilig niya.

“Alam mo bang sinabi nya saking lilipat siya ng school ngayong week? Gosh, like I care.” Reklamo ni Serene sa mga kaibigan niya.

“Hayaan mo na, basta wag mo na lang siyang replyan, magsasawa rin siguro yan.” Sabi naman ni Larein.

Pumasok na sila sa kanilang klase, ngunit sa kalagitnaan ng pagtuturo ng kanilang guro ay biglang dumating ang kanilang principal. Ipinakilala niya ang kanilang bagong magiging kaklase na si Travis. Travis? Tanong ni Serene sa sarili. Hindi kaya sya yung Trav na nagtetext lagi sakin? Ngunit binalewala na lang niya yun nung araw na iyon.

Kinabukasan ay nalaman nila na mabait naman pala si Travis, sobrang bait lalo na sa mga babae.

“Hi Serene, right?” lumapit si Travis sa may upuan ni Serene. Iniiwasan ni Serene na makipag-usap sa kanya dahil kung siya nga si Trav na nagtetext sa kanya baka makilala nito ang boses niya. Subalit di niya nagawang pigilan ang sarili niya at nakipag-usap na rin siya sa kanya. Naging magaan ang loob nila sa isa’t isa. Na di nagtagal ay naging matalik na magkaibigan

Isang araw habang nag-iintay sila ng guro para sa susunod nilang klase, ay di na nakapagpigil si Serene na makumpirma kung siya nga si Trav na nagtetext sa kaniya dahil sa mga kinikilos ni Travis na kagaya lang din ng mga sinasabi ni Trav sa kanya sa text. Naisipan niyang mag-gm at isinali niya si Trav. Mayamaya pa’y nakita niya itong kinuha ang cellphone niya sa bulsa at tiningnan ito, kasunod nito ang pagngiti ni Travis.

“Lapad ng ngiti natin ngayon ah.” Komento ni Ken, isa sa mga kaklase nila.

“Nagtext kasi sakin yung crush ko eh.” Nanatiling nakikinig lamang si Serene sa usapan ng dalwa.

“Oh, eh bat di mo replyan?” tanong ni Ken.

“Kasi hindi ko pa kaya, baka mabigla lang siya.” Mabigla? Bakit na naman mabibigla? Tanong ni Serene sa sarili. May gusto si Travis? Tanong ni Serene sa sarili.

Naglalakad ngayon si Serene papunta sa kanilang canteen. Tatlong araw na simula ng nag-gm si Serene, hindi ulit nagtext sa kanya si Trav. Tahimik siyang nagmamasid sa paligid, halos walang tao dahil lahat ay nasa canteen, kaya naman laking gulat niya ng biglang may humila sa braso niya at pagharap niya ay mas lalo siyang nagulat ng makita si Travis.

“Anong phone number mo?” seryosong tanong ni Travis sakanya. Dahil sa pagkabigla ay hindi agad nakasagot si Serene,

“You can call me Trav, Serene.” Wika ni Travis. You can call me Trav? Yun din ang sabi sa text, sabi ni Serene sa sarili.

“Ikaw yon? Ikaw ‘yong makulit na text ng text?” Ngunit hindi sinagot ni Travis ang tanong ni Serene.

“Idelete mo na yung number ko, idedelete ko na rin yung number mo sakin.” At umalis na siya habang naiwang nakatulala si Serene.

Kinabukasan ay kinausap ni Serene si Travis bago magsimula ang klase. Pilit niyang tinatanong si Travis kung bakit ngunit ngingitian lang siya nito ng mapait at saka ikakabit ang earphones nya at pipikit. Maghapong hindi pinapansin ni Travis si Serene. Pati ang mga kaklase nila ay nagtataka na rin dahil ang alam nila ay nagkakamabutihan na sila.

“Kumusta na ba talaga kayo ni Travis?” tanong ni Tris kay Serene ngunit isang malungkot na ngiti lang ang sinukli nito.

Pauwi na si Serene ng makita niya si Travis sa di kalayuan na nakatingin sa kanya na para bang may gusting sabihin. Sinubukan niyang lumapit ngunit bigla itong tumayo at naglakad palayo kay Serene. Sakto naman ang pagbuhos ng ulan, ngunit hindi magawang umalis ni Serene mula sa kanyang kinatatayuan. Yumuko na lamang siya at saka umiyak. Hindi naman nakatiis si Travis at binalikan niya si Serene na ngayon ay basang basa na ng ulan, kaya naman laking gulat ni Serene ng mapansin niyang hindi na siya nababasa at pagtingin niya ay si Travis ang may hawak ng payong.

Ngayon ay nasa tapat na ng bahay nina Serene sina Travis. Nakabukas na ang gate ngunit hindi pa rin napasok si Serene.

“Pumasok ka na at magpalit ng damit, baka magkasakit ka niyan Serene.” Wika ni Travis.

“Bakit?” ang paulit ulit na tanong ni Serene kay Travis.

“Uuwe na ako Serene, pumasok ka na sa loob, please.” Sabi ni Travis habang marahang tinutulak si Serene sa loob. Ngunit umiyak na naman si Serene saka niyakap si Travis.

“Wag kang umalis please.” Pagmamakaawa nito.

“Serene, hindi pede!” tuluyan ng bumitaw si Travis sa yakap ni Serene at naglakad na palayo.

Nang gabi ring iyon ay nakatanggap ulit si Serene ng text mula kay Travis.

“I’m sorry kung hindi ko masabi sayo ng harapan. Akala ko nung una kaya ko, pero habang tumatagal mas lalong lumalala. Pero mas lalong di ko kakayanin na makita kang masaktan ng dahil sakin. Hindi ko kaya makita ang magiging reaksyon mo kapag nalaman mong may sakit ako. Sana maintindihan mo ako, Serene.”

Hindi makapaniwala si Serene sa nabasa niya kaya nireplyan nya ito ng “I’m sorry, wrong send ka ata. O baka naman sira talaga yang phone mo. Sige good night Travis.” At pumikit na si Serene upang matulog ngunit isa isa ng nagbagsakan ang luha niya.

Kinabukasan, pagpasok ni Serene ay agad niyang napansin ang tahimik na aura ng mga kaklase niya, ngunit ng dahil sa nangyari kagabi ay wala na siyang panahon para intindihin pa ang ibang matamlay na nakatingin sa kanya.

“Serene, ok ka lang ba?” bungad ni Larein kay Serene, ngunit hindi sila napansin ni Serene. “Alam na ba nya?” tanong naman ni Tris. Saka pa lang napatingin si Serene sa kanila at saka sinabi nina Larein kung ano ang nagyari.

            Dalidali namang binuksan ni Serene ang cellphonenyang pinatay niya kagabi. Maraming message na hindi pa niya nababasa ngunit isa lang ang binasa niya na nagpatulo ng mga luha niya. “No, Serene. How I wish that the message was not for you. But you have to know about it. I’m really sorry Serene. It’s not wrong send and my phone is still in good condition. I love you and goodnight my Serene. <3”

----------------------------------------

My first published! ^_^

Assignment ko po yan sa Filipino. Pero di po yan ang pinakauna kong natapos na story :/ ngayun lang nakapag-isip maggawa sa wattpad eh :)

Enjoy nyo po!

P.S.

pagmaraming reads, votes at comments ipopost ko yung ibang nasa desktop ko ^_^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wrong SendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon