chapter 9

30 1 0
                                    

New friend

ISAY POV

Lumipas ang mga linggo na nanatili ako dito sa mansyon ni papa. Ramdam ko na parang hindi ako welcome. Feeling ko iba ako.

Pero baka feeling ko lang yon. Ang cold cold kasi sakin ni kuya hans. Parang hindi nya ako tanggap na Ewan aish. Bakit kaya ganon? Lunes ngayon at naghahanda na akong pumasok sa eskuwela. Nagpaalam ako Kay papa at Kay tita Mae na aalis na ako. Unti unti na din akong natututong umuwi mag isa, dahil palagi ng busy si kuya herlin at kuya henry

Ngayon ay nag taxi lang ako papasok ng school. Habang nasa byahe ako tumingin ako sa labas ng bintana. Sa pamamalagi ko dito sa maynila ang dami ko ng napagdaanan at mga natutunan. Sa mga paaralan na mamahalin dito sa Manila hindi mawawala ang mga bully at puro pa sosyal lang. Gaya na lang ng school na pinapasukan ko, hindi lang pala si cherry ang bully Don kundi madami pang iba.

Nalaman ko din na varsity player si inigo ang crush ko. Sa tuwing may laro sila nanonood ako, ang galing galing nga nyang mag basketball eh aish Napaka perfect talaga

"Mam Andito napo tayo"sabi ni manong

"Ay perfect" gulat na sabi ko. Aish grabe naman si manong. "nakakagulat naman kayo manong" sabi ko habang hawak pa din ang dibdib ko

"Ano ba kasing iniisip mo mam?"tanong sakin ni manong

"ikaw kuya ha, tsismoso ka" natatawang sabi ko."Ito po bayad ko manong, keep the change napo"nakangiting sabi ko Kay manong at bumaba na sa taxi. Narinig Kong nagpasalamat sya, nginitian ko lang naman ito.

Pagpasok ko sa school namin, dumeretso agad ako sa room namin, pagpasok ko sa room namin ay naabutan ko si khalix. Magkaklase kami ni khalix pero syempre hindi sa lahat ng subject tsk halos araw araw din kaming nag babangayan ni khalix, tingin nga samin ng mga kaklase namin ay" mortal enemy" daw kami. Lagi kasi kaming mag kaaway. Paano ba naman kasi palagi nya nalang akong inaasar tsk

"Sira na ang araw ko" parinig sakin ni khalix

"Walang nagtatanong" sabi ko din pabalik.

"Hep hep, magsisimula nanaman ba kayong mag away? Ang aga aga!" sabi samin ni Leslie president namin sa klase

"Yung isa kasi Jan Leslie pa epal" parinig ko

"Nagsalita yung hindi epal" sabi naman ni khalix. Tumigil na din ako dahil Anjan na yung prof namin.

"Okey class may bago kayong kaklase, hindi sya transfer student dahil dito na sya nag aaral, nilipat ko lang sya ng section" sabi ni prof. Nakikinig lang ang lahat sakanya. "Miss Lopez can you come in and introduce yourself" sabi ni prof. Maya maya ay pumasok ang babaeng pamilyar saakin. Nanlaki ang mga mata ko

"Hi, my name is Sarrah Lopez" sabi niya. Sya yung babaeng tinulungan ko. Sya yung binully dati. Nakatingin lang ako sakanya hanggang sa makaupo sya sa tabi ko, hindi ako makapaniwala Napaka oa ko na ba

"Sir tulo napo Laway ni hesa HAHAHHAHAHA" natatawang sabi ni khalix, agad Kong napatikom ang bibig ko. Nagtawanan ang buong klase at feeling ko napahiya ako. Leche talaga tong khalix nato

"Tumulo man lahat ng Laway ko mabango to chong! Mas mabango pa sayo!" sabi ko kaya naman nagtawanan ulit ang buong klase

"Okey enough na class, may emergency meeting ako today kaya mag review nalang muna kayo dahil may quiz ako tomorrow" sabi ni prof at lumbas na. Agad naman akong bumaling sa katabi ko

"Hello" masiglang bati ko sakanya

"H-hi"parang naiilang na bati nya

"Wag ka mailang sakin Ano ka ba! So kamusta kana, binully kaba ulit nina cherry?" tanong ko sakanya

The Probinsyana Girl Where stories live. Discover now