Chapter 1 - Finally Back

8 2 0
                                    

Palabas pa lang si Tamarah sa lobby ng airport rinig na rinig nya na ang napakatinis na boses ng kaibigang si Faye. Iginala nya ang paningin at nahanap nya na agad ito. Nagpanggap syang di nakita ang kaibigan at diridiretso syang naglakad. Ako ang nahihiya sa pinaggagagawa nito.


"Wahhhh!!! Arah!!!!!! Andito ako! Ako lang naman ang pinakamaganda sa grupong to! Hello teh? Binge lang??! Yuhoo! Notice me!! I'm here! You're there! We are everywhere! Welcome back! Mabuhay! Mabuhay! Yeah! Yeah! Yeah! Mabuhay! Mabuhay! Yeah! Yeah! Yeah!" sigaw nito sa kanya kasabay ng weird nitong pagsayaw. 


Napaface-palm ako bigla. Nakakahiya! Di ko yan kilala.



"Echoserang bruha toh di namamansin! Pag ako nainis sige ka!" may pagbabanta nitong sabi.


Tumigil sya sa paghakbang at hinarap ito. Tinaasan niya ito ng kilay. Linapit niya yung mukha niya dito. "So?! Ten years akong nawala. Di ka pa din nagbago. Hobby mo talagang mam-blackmail ano? Yumaman ka ba dahil dyan?" prangka nya dito. Alam ko naman na makapal mukha nito. Kaya ko nga sya naging kaibigan kasi alam kong totoong tao sya. Tanggap ko naman yun. Kaya lang wala talaga ako sa mood ngayon. Ang init dito sa Pinas! Grabe!


Napasimangot naman si Faye bigla, "Toh naman! Easy girl! Snob mo ko eh..." parang bata talaga tsk!


"Beh kanina pa kita nakita. Galing mo nga eh. Kahit sa malayo kitang-kita ka." Tuwang-tuwa naman ito bigla sa sinabi ko at napapalakpak pa. Aba ang bruha natuwa pa? Akala ata compliment yun ah?. "Sino ba naman kasi di makakakita sa suot mo? Seriously Faye? Yellow?! Kahit sa malayo mag stand-out yang damit mo! Nagsuot kapa ng korona anong trip mo beh?" mataray kong sabi. Biglang bumusangot ulit ang mukha nito. "Sige nguso kapa... mukha ka nang butete na tinubuan ng mukha".


"Aish! Grabe ka talaga! Laitera kang talaga. Basag trip ka naman eh! Kita mong pinaghirapan ko tong suot ko para sa pagbabalik mo! Nag-effort pa akong magpaganda para bongga ang madadatnan mo tapos lalaitin mo lang? Wala kang puso! Wala bang saging sa New york? Pero bes na-miss talaga kita! Antagal kitang di nakita! Natutuwa talaga ako mga five na tawa.... hahahahaha!" nagbilang pa to ng tawa sabay yakap sakin. Patalon-talon pa. Naloka naman ako sa ka hyperan ng baklitang to. "Teka! Teka! Mamaya na tayo magsaya hatid muna kita sa apartment natin tara!" siya lang kaya ang masaya. tsk tsk. Hinila nito ang mga gamit ko.  Naiiling na sumunod na lang ako sa kanya.


Kweno ng kwento si Faye habang nasa byahe kami. Buti na lang may dala itong sasakyan. Makakapagpahinga ako sa byahe. On second thought pano nga ba? Kung ang ingay nitong katabi ko? Nung di na ako nakapagpigil sumigaw na ako.


"Will you shut it?! Pwede ba kahit 30 minutes tumahimik ka? Ingay-ingay mo gusto ko magpahinga okay?!" nagulat naman to sa biglaang pagsigaw ko. Nataranta bigla at nakapagpreno. "Ohhh...Sh**t! Dahan dahan naman! Hayyys!!!" bulyaw ko ulit sa kanya.


"Wag ka kasi sisigaw! nakita mong magugulatin ako eh... buti na lang di tayo na-aksidente. Masyado kang hot. Keep cool bes!" kinindatan nya pa ako. Asar! "Haha... wag kang pikon kasi. Alam kong di mo kayang wala ako" napanganga ako sa sinabi nya.

"Hello?? Anong petsa na? Nakatagal nga ako ng ten years di ka makita anong sinasabi mo diyan?" natigil naman ito bigla sa pagngisi.

"Oo nga noh?? Ah basta miss mo ako! Kaya ka nanaman nagsusungit diyan!" sabay tawa ulit. Kung naguguluhan kayo sa istorya ng buhay naming dalawa. Ieexplain ko sa next chapter. Wag atat okay? *Insert smirk* "Pero alam mo beshy? Andaming nalungkot nung umalis ka. Pati sina tita at tito panay ako ang kinocontact. Bat naman kasi di ka man lang sa amin nagpaalam na balak mo lumayas? Kung di mo pa ako minessage sa fb ko wala ka sigurong balak magparamdam ano?" dakdak pa nito. Sa inis ko nilagay ko ang earphone ko at nag soundtrip na lang ako. Tinignan ko ulit sya, panay pa din ang dada. Sa sobrang inip gawa ng traffic sa EDSA nakatulog ako buong byahe.



Ginising ako ni Faye nung makarating kami sa Apartment niya na tutuluyan namin pareho. Ito yung inistayan namin dati nung bumukod kami pareho. Hayys. It's so nice to be back home... 

Love WreckerWhere stories live. Discover now