Raf's Pov
Nakakainis yung babaeng yun! Akala mo kaya niya ang sarili niya eh paano na lang kung may nangyaring masama sa kanya?! Ako pa ang mananagot! Hay....tss...
Nasa kwarto ako ngayon nagbabasa tutal sabado naman bukas tsaka minsan na lang ako mag-relax dahil nagiging busy na ako since running for valedictorian ako.
After 2 hours
Aba matinde talaga tong babaeng to! Anong oras na wala pa rin dito, ano bang balak niyang gawin sa buhay niya?
Susubukan ko sanang tawagan siya pero naalala ko na wala siyang number sa akin bwisit!
Napag-isipan ko na pumunta muna sa cafe baka sakaling makita ko siya mapadaan dun.
CAFE
“One Caffe latte please.” sabi ko sa nagte-take ng order.
“Okay, sir just wait for your order.” binigay ko na yung bayad at umupo sa may tapat kung saan makikita mo yung labas.
After 2 minutes ay andito na yung inorder kong latte.
“Thank you.” sabi ko at agad na ininom yung latte
Gabi na ngayon at maraming lovers ngayon dito mukhang ako nga lang ang walang kasama dito eh.
Tumingin ako sa may salamin at nakita ko si Raffy na naglalakad mukhang pauwi na siya. Kaya lumabas ako para habulin siya. Pinigilan ko siya at napalingon naman ito.
“Anong oras na?! Bakit ngayon ka lang umuwi ha?!” kumunot naman ang noo nito.
“Teka nga lang! Bakit kung pagalitan mo ko para kitang tatay ha?!” sigaw niya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit kong ginawa yun basta hinila ko na lang siya papunta sa cafe.
“Ano ba? Bakit mo ba ako dinala dito?” inis na tanong niya
“Sayang yung latte ko at tsaka nasa akin yung susi kaya hindi ka rin makakapasok.” sabi ko
“Tss... papakainin mo ba ako?” tanong nito, basta talaga sa pagkain eh!
“Oh eto umorder ka na tutal walang pagkain sa condo.” sabi ko sabay abot ng pera, yung mga mata nito parang kumikislap. Takaw talaga nito kahit kailan!
Umorder naman siya habang ako inuubos ko na yung latte at nagbabasa. Bumalik na siya dito at umupo para hintayin yung inorder niya.
BINABASA MO ANG
The Unplanned Marriage [ ON HOLD and EDITING ]
RomansaMaria Serafica Armida at Rafael John Enriquez ay kilalang magkaaway pero sa isang sitwasyon na gusto nilang takasan ay nagkaroon sila ng plano na magpanggap bilang magkarelasyon. Pero sa hindi nila inaasahan na pangyayari na kung saan mag-lelevel up...