<~| BAGONG UMAGA |~>

7 0 0
                                    

AUTHORS NOTE!

Nandito nanaman ako at nagbabalik.Nakita ko naman na mayroon pa ring mga nagbabasa ng kwento ko.Pasensya na sa Matagalang pagpapahinga haha.

Huwag kayong mag Alala dahil i will continue this story.

________________________________________________________________________________

Xander's POV

Nagising na lamang ako sa isang malakas na pag ring ng aking cellphone.

Calling....... Ford

Bakit kaya napatawag itong mokong na ito?Ano nanamang kailangan nito.Sinagot ko na lamang yung tawag baka kase magalit kapag hindi ko pa sinagot.Tinap ko na yung answer at nag salita.

"Hello."Pagbati ko sa kabilang linya.

"Uy Xander, asan ka na ba?Kanina ka panamin hinahantay ni William dito.Anong oras na oh baka ma late tayo sa conference."Banat naman nito.Napatingin na lamang ako sa kanang kamay ko kung saan naka suot ang aking relo.

OMG! 8:30 na.....Meron na lang akong 30 min. para mag asikaso.Mag hehello pa sana si Ford kaso binaba ko na yung tawag at pumunta na agad ako sa cr para maligo.





Nakatapos na rin akong maligo at nakakain na kung kaya't tumakbo na agad ako sa labas para mag hanap ng sasakyan papuntang University.Hindi naman ako nahirapan kase paglabas ko ng gate may humintong tricycle sa tapat ko.Hindi na ako nag dalawang isip kaya sumakay na agad ako.

"Saan?"Pagtatanong nung driver na nakasira sa pagiging abala ko sa cellphone.

"Hogfort University po, Manong pwede po bang pakibilisan?Male-latena po kase ako ehh."Pagmamakaawa ko.It's already 8:50 am kaya 10 min. na lang ang meron ako para hindi malate.

"Sige."Sagot ni manong driver na dahilan para mapangiti ako ng abot hanggang langit.

9:55 ng makarating kame sa University kaya may 5 min. pa akong nalalabi para tumakbo papuntang conference room.

Ngayong araw kase ay may meeting ang mga officers ng University kaya kasale ako doon.Paguusapan namin ang mga isyu ng university dahil maraming mga kumakalat na  balita tungkol sa amin na may kakaiba raw dito.

Pagbukas ko ng pinto ay nagulat na lamang ako dahil walang tao.Nyeta! niloko nanaman ako nung Ford na yun.Nagulat na lang ako ng biglang tumunog yung cellphone ko.

Tinggggggggg! 1 message.

Sender: Ford

Asan ka na?Hahaha. mukhang naloko nanaman kita,Punta ka dito sa cafeteria nandito kame.

Sabi na eh.Kaya dapat hindi na ako naniwala sa mokong na yun eh.Kainis!

Hindi ko na sinayang yung oras ko kaya pumunta na agad ako sa cafeteria,Pagpunta ko doon nakita ko sila William,Jenny at Ford.Mukhang nagtatawanan sila at nakatingin sa cellphone.

napatigil sila ng makita nila ako.Binigyan ko sila ng Konyat-kayo-sakin-mamaya-pose.Umupo ako sa tabi ni Jenny at dahil doon ay inasar ako ni Ford at William.Tiningnan ko si Jenny at ngayon ay namumula ang kaniyang mga pisngi.Anyare sa kanya?May sakit ata.

"Ayyyiiieeee."Pangbabatikos nung dalawa.

"Ano nanam to?Anong nakain niyo at parang feeling close kayo sa akin?"Pagtatanong ko sa kanila.

"Hindi mo nasabi sa amin na lalaki ka pala Xander."Pagsagot ni Ford na dahilan para matawa ako.Hindi ba ako mukhang lalaki?Hahahaha.

"Mga kupal ba kayo?Anong akala niyo sa akin Bakla?Bisexual ako pero hindi bakla mga engot."Pagdepensa ko sa sarili.

  Nagulat na lang ako ng biglang magsalita si Jenny. "Hayaan mo na yan Xander mukhang tanga lang yang dalawang yan.Kanina pa ako inaasar niya."

Iniharap sa akin ni Ford yung Cellphone niya na nasa Facebook App.Tiningnan ko yung picture.Nagulat na lang ako nung nakita ko yung mukha ko kasama si Jenny at magkadikit ang aming mga labi.

"Ipaliwanag mo sa amin to Xander."Seryosong sabi ni William.

Magsasalita na sana ako ng biglang nag bell.Napangiti naman ako dahil makakatakas ako sa mga mokong na yun.

"Well, nagbell na kaya mauuna na ako sa klase."Pagpapa-alam ko.

"Hoy! hindi pwede yan Xander.Bumalik ka rito."Inis na sabi ni Ford.Napatingin na lang ako sa likod ko at naka sunod sa akin si Jenny.Nagiiwan ako ng isang Bye-Bye-Pose sa dalawang mokong na yun.

SALAMAT LORD at nakatakas ako sa dalawang epal na yun.

________________________________________________________________________________

AUTHORS NOTE

Bukas na po yung kasunod inaantok na si Author.

Babushh sana abangan niyo pa yung mga susunod na kabanata.

Goodnight.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nightmare with YOUWhere stories live. Discover now