Grabeh, its been a week na simula nung naging mag-textmates na tayo..ambilis lang ng panahon..Kung nung una, nagkakahiyaan pa aba eh ngayon, feeling super close na. Eh sa text lang naman tayo nag-uusap..
Not until you asked me out..
Sobrang kabado ako. Halos di ko mapigilan ang ngiti sa mukha ko.. First date kung sakali. Npa-isip nako ng posibleng mangyari.. Sabi ko sa sarili ko, "Could this be the start of the next level?".
Dumating na ang araw na pinakahinintay ko..Though hindi ko na matandaan ung exact date, alam na alam ko ang mga exactong nangyari..
SM NORTH. . . . National Bookstore
Nasa bus ako nun nung nagtext ka.. You asked me kung saan na ako kasi malapit kana.. Di mo alam kung gano ako kakabado.. Makikita kita ulet.. In person.. Yung taong unti-unting kumukuha ng puso ko.. The special person in my life..
Hindi padin matigil yung kaba na nararamdaman ko. Pano ba naman kasi, ang daldal ko sa text and i'm not sure kung kaya kong ilabas lahat ng yun pag kaharap na kita.. Dumirecho ako sa National Bookstore.. Nagpaka-busy ako kakatingin ng markers.. Naisip ko, kelangan ko nadin palang bumili kasi naubusan na ng tinta ang ginagamit ko sa work..
Natigil lang ako nung may napansin akong papalapit sakin. Lumingon ako nang bigla kang kumaway. Ikaw na pala yun. Gwapong gwapo ako sayo nung masilayan kita. Ang kinis ng mukha mo, npka-neat mong tingnan. Gusto kong kiligin pero nakakahiya kasi ang daming tao.
"Superbass!!". Yan ang tawag mo sakin. Natulala nlng ako. Kasi naman, di kpa din pala nkakaget-over sa sayaw natin. haha, tawa nlang ako.
Nagtuturuan tayo at nagtatanungan kung san tayo pupunta. Ikaw ngyaya nun kaya dapat nka-plan na. Well, kahit naman ganun masaya ako kasi nakasama kita.
Lakad lang tayo ng lakad. Hindi natin alam kung san talga pupunta. Hindi rin naman ako mka-suggest kasi baka hindi mo rin magustuhan yung place. Isa pa, nakakahiya yun.
Ang dami nating napag-usapan sa mga sandaling yun. Nakakatuwa ngang maalala eh. Wala tayong pinagkaiba sa mga bata na kahit corny na, tumatawa pa. Ang sarap lang sa pakiramdam nun kasi ang tagal ko ng hndi nakakalabas. Bahay - work lang ako. Pero nung araw na yun, mukhang iiba na ang magiging daily routine ko. <3
Habang nagsasalita ka, nagnanakaw ako ng tingin. Gusto kitang titigan kaso nauunahan mo ako. At pag nahuhuli kita, dinedeadma ko nalang. Ayoko naman din kasing masyadong umasa eh. Mahirap na at isa pa mas matanda ako sayo kaya hindi rin ako sigurado sa kung ano ang pwedeng mangyari.
Dinala mko sa isang kainan. SLAMMERS BURGER. Tama. Yun yung unang lugar na pinagdalhan mo sakin. Maliit lang sya at wala masyadong tao. Pinaupo mo ako nun. Aaminin ko na may awkwardness akong naramdaman nung moment na yun. Sino ba naman ang hindi, diba? Kung titingnan mo, we started as strangers then textmate and ngayon, magkasama na.
Umorder ka ng fries and burger. Pinagmamalaki mo pa nga na masarap yun. Hindi pa nman ako nkakakain dun kaya i felt interested kung masarap nga ba tlga yun. Inayaya mo akong tikman yung fries na pinagmamalaki mo. Ako naman, sobrang nag-aalangan kasi kakain ako ng kaharap ka? Matakaw talaga ako pero mahiyain din naman pagkaharap ko ang crush ko.
Ang dami na nating napag-usapan. Family, school and syempre yung love life. Ang bilis diba? Kakakita palang natin pero yun na agad ang topic.
Nagkuwento ka about sa family mo. Pati sa school mo. At lalo na sa lovelife mo. You shared na single ka that time. Kasi kakabreak nyo lang ng gf mo. Kasing tagal lang din ng pgkabreak namin ng bf ko. Pero nagulat ako sa sinabi mong your ex was a devil. Not literally huh. Sabi mo kasi niloko ka niya. Na pinagpalit ka niya sa iba. I felt exactly what you felt when you said it. Kasi like you, ganun din ang ginawa sakin. Imagine that? Talagang parehas tayo ng pinagdaanan.
It was my turn. Hindi ko din maintindihan kung bakit agad din akong nag-open up. Unusual yung feeling ko that time. Pareho tayong nag-enjoy sa company ng isa-isa to the point na nkapag-open up tayo ng private life natin. Ang bongga! Ang bongga talaga. Feeling close na agad tayo.
Nung napansin mong hindi na ako kumakain, inalok mo ulet ako. Pero this time, pinilit mo na talga ako. Tinry mo akong subuan pero umiwas ako. Ok kalang ba? May lagnat kba nun? Haha. Bat mo ginawa yun? Sobrang tumanggi ako na kainin yung burger ko. At sa hiya ko, binigay ko nlng sayo para hindi nman masayang. Besides, pera mo din naman yung pinambili mo nun.. hahaha.. joke :)
The most nakakakilig na part dun alam mo kung ano?
Nung pinakagat mo muna sakin yung burger bago mo kinain. You may find it simple and usual pero para sakin, sobrang nakakapangilabot. Isipin mo kasi, that time lang tayo nagkakilala talga then ginawa mo yun. At talga yung tira ko ang pinapapak mo. Katuwa talaga. Ay hindi. Kakainlove ang right term. Dahil sa ginawa mo na-realize kong hindi ka maarte. Na hindi ka maselan. Na kahit lumaki kang nakukuha ang mga gusto mo, nagagawa mo padin yun.
After nating kumain, naglakad tayo. Umikot ng umikot hanggang sa napagod tayo.
Gumabi na. Nagpasya na akong umuwi. Hindi karin nman nagpigil kasi sabi mo delikado narin pag masyadong ginabi. Nung paglabas natin ng mall, nagpaalam ako. Mejo mahirap din kasing sumakay ng mga oras na yun. Oo, gusto ko nang umuwi pero deep inside me, i was wishing for the time to stop. I wanted to be with you. Kasi masaya ako. At pag kasama kita, im just being me. No need of pretending for the sake of making you see me as a better girl.
Umuulan..
Pinauna na kitang pasakayin kasi alam kong mas malayo ang bahay mo. At ayoko ding gabihin ka pa lalo pag hinantay mko. Pero sa di inaasahang pagkakataon, bigla kna lang pumara ng taxi.
You insisted na ihatid ako. I tried to refuse pero huli na nung may lumapit na taxi satin. Wala nakong nagawa kundi ang pumasok at umupo. Umuulan din naman kasi nung time na yun.

YOU ARE READING
A LETTER FOR YAM (Learning the art of letting go)
PoesieThis is not really a story..this is a sort of diary about my ex..ang isang taong alam kong minahal ko at minahal talaga ako.. writing this is my way of expressing my emotions.. how happy i was..how i've enjoyed every moment with him..how i thought e...