INA NG AKING BUHAY

151 8 1
                                    

APRIL 2011. month after March. Month before May. Hindi ko maiwasang malungkot. Hindi ko maiwasang mapaluha.

Isang kasinungalingan. Isang kahibangan. Isang pagtitiis.

“Ok lang ba kayo?”

“Ok lang ako, ano ka ba? Gumawa ka lang ng dapat mong gawin diyan.”

“Bakit parang laging masakit tiyan niyo?”

“Kabag lang siguro ito.”Hayst. Isang kasinungalingan. Isang malaking buntung-hininga.

Concern lang naman ako eh. Hindi ko man masabing “I Love you”, alam ng Diyos kung paano ko siya mahalin, alalahanin, at pahalagahan.

October pa iyong usapan na iyon. Tumatak iyang mga linyang iyan dahil apat na buwan ang lumipas, ang kabag na sinabi niya, isa na palang CANCER – STAGE IV.

Check-up at diagnose lang yun. April, iyon na. Doon na na-confine. Doon na nalaman na sa ganoong stage na pala nakarating iyong sakit niya.

“O, kumusta?”

“Tulog siya ngayon.”

“Ba’t ganiyan hitsura niyo?”

“May cancer siya? Stage IV na raw sabi ni dok.”

“Ha? Sigurado kayo? Ipaulit natin ang diagnose. Maaagapan pa daw ba iyan sabi ng doktor? Ano sabi pa nila? Hindi ba natin puwedeng gawan ng paraan.”

Hayst. Isang buntung-hininga ang kumawala sa aking ama.

Manalig sa Diyos ang siyang ginawa ko pagkarinig ko ng mga salitang iyon. Hindi ko man malaman ang gagawin pero Diyos ang nagturo sa akin ng mga dapat kong gawin ng mga oras na iyon. Ang gabi-gabing pagpapanata sa Diyos na lagi ko namang ginagawa, gusto ko, huwag nang umalis sa banal na lugar na iyon. Gusto kong maging si Cristo na namalagi lamang sa isang templo nang 40 araw, at nananalangin lamang doon.

Mahirap sa dibdib. Mahirap tanggapin. On/Off siya sa ospital. Pagkatapos ng klase sa Summer Kindergarten Program, lagi ko siyang binibisita. Doon ko na nga dinadala iyong mga gamit ko eh. Lesson Plans. Module at kung ano pa.

Kuwentuhan to da max pa nga kami eh.

“Iihi ako.”

“Ah, sige, alalayan ko na kayo.”

Isang pag-alalay ng isang anak sa isang magulang. Dati, isang pag-alalay ng magulang sa isang anak na hindi pa marunong maglakad.

Mula noong na-confine siya, dagsa ang mga problema. Walang pera. Hindi nga makakain sa bahay eh. Walang pandala ng pagkain sa kaniya sa ospital. Umaasa na lang sa pagkain na rasyon doon. Halos di ko na makayanan ang mga iyon pero dahil nga nanalig ako sa magagawa ng Diyos, panatag pa rin talaga ang loob ko.

Doon na ako natulog. Di na ako umalis sa lugar niya. Aalis lang ako pag magpapalit ng damit sa bahay o may lakad somewhere. Ang bilis nga ng araw kasi hindi ko namalayan, lumipas na pala ang bday niya sa ospital. Hindi man lang namin (pamilya niya) naipadama ang init ng kaniyang kaarawan kahit na nasa osipital siya. Walang pera. Walang panghanda. Anong init ng kaarawan ang pinagsasasabi mo db?

Nawala lang ako sa ospital. Dumating ang time na inilipat DAW siya sa ibang ospital dito din sa Maynila. Pero hindi agad ako naniwala. Dinala lang siya sa isang lugar. Doon sa probinsiya ng kapatid niya. Doon kung saan wala kaming kakayanan para sundan sila.

Kakagaling ko from somewhere…

“Umayos ka, punta tayo ngayon sa Church. Nawawala siya. Kinuha daw siya ng mga tita mo.”

Hindi na ako kumibo. Sumunod na lang ako. Magsusumbong na lang kami sa Diyos. Nakita ko sa mga mata ng aking ama, hindi na niya talaga kaya. Gustong umiyak pero hindi niya makaya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

INA NG AKING BUHAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon