4. Ang kwento ng bombero..bow

304 3 0
                                    

Nasa taxi na tayo nun at malakas padin ang ulan..

Ang tahimik..nagkakahiyaan ba tayo? ngayon pa kung kelan ang dami na nating napag-usapan? Ngayon pa kung kelan magaan na ang loob natin sa isa't-isa? Tama ba ako? Natin? or ako lang?

Naalala mo pa ba yung kinuwento mo sakin na nagpatawa sakin? Nasabi mo yun siguro para maaliw  mko dahil napansin mo din yatang tahimik na ako. Don't worry, tahimik ako hindi dahil boring ka kasama kundi dahil ineenjoy ko yung moment na kasama ka. 

Ang dami ko ngang naiisip that time. Ang dami kong tanong sa sarili ko. Ikaw na ba kaya talga? Ready na ba ulet akong ma-fall sayo? Aaminin ko masyadong maaga pa para mag-assume. Ni hindi ka pa nga nagpapahiwatig eh. Haha. Shet! Ang baliw ko para isipin yun.

Eto na yung kwento mo. . . . 

"May isang nasusunog na bahay. May mga taong natrap sa loob. Isang bombero ang nagmadaling pumunta sa bahay na yun. Gusto nyang tulungan ang babaeng mahalaga sa kanya. Nung makapasok na siya sa nasusunog na bahay, agad niyang nilapitan at inalalayan ang babae sa paglabas. Ngunit sa kasamaang palad, natrap na ang bombero. At hindi na rin ito nakaligtas sa sunog."

Tumawa ako ng malakas. Pano ba naman kasi, ang corny. What's good with your story? 

Ngumiti ka. Pero may sinabi ka. "Boring ba? Gusto ko lang naman sanang sabihin na yung babaeng yun ay IKAW. at ang bombero naman ay AKO. Ibig sabihin, handa akong sagipin ka or ibuwis ang buhay ko para sayo."

 

Whaaaaaaaaaaaatttttttttttttt????!!! Nga-nga nalang ako. Marunong ka plang bumanat ng ganun?? Weh, di nga?? Haha. Gustong-gusto kitang kurutin at durugin nun kaso nkatingin si mamang tsuper. Mahirap na. Baka isipin nya na inlababo ako ng bongga sayo.

A LETTER FOR YAM (Learning the art of letting go)Where stories live. Discover now