Chapter 17

11K 192 17
                                    


NASA LANGIT NA BA AKO?

Halos lahat ng nasa paligid ko ay kulay puti. Nasa langit na yata talaga ako, pero bakit ganoon? Bakit wala akong nakikitang mga anghel?

Nasaan na ang mga kumakantang mga anghel? Si San Pedro? Gusto kong makita ang manok niya.

"Anak! Salamat sa diyos,"

Teka, boses iyon ng nanay.

Habang tumatagal ay lumilinaw na rin ang paningin ko. Agad akong napahawak sa ulo.

Bakit ang sakit?

Pinakiramdaman ko ang aking ulo, mukhang may benda. Ano bang nangyari saakin?

Nadako sa kinaroroonan ni nanay ang mga mata ko. "Nay?"

"Anak, ako nga." Masiglang salita niya sabay hawak sa kaliwang kamay ko.

"Hospital ba ito, nay? Bakit ako nandito?" Takang tanong ko, bakit nga ba ako narito?

"Nadisgrasya ka, anak. Nabundol ka ng kotse."

Nangunot ang aking noo, kasabay niyon ang pagsakit ng aking ulo.

"Aray..." Daing ko.

Napatayo si nanay. "Sandali, anak. Tatawagin ko lang ang doktor." Pagkasabi ay agad siyang lumabas.

Ang sakit ng ulo ko. At bakit ganoon? Bakit wala akong maalalang nabangga ako ng kotse? At bakit nga ba ako nabangga?

Ilang minuto lang ay dumating na ulit si nanay, kasama na niya ang isang nurse at ang doktor.

"I'm glad she's awake." Usal ng doktor.

"Stable na ang lagay niya. Pero kailangan pa niyang manatili rito ng isang linggo para ma-monitor namin ang vitals niya." Dugtong ng doktor, mukhang ang nanay ang kinausap niya.

"Bakit hindi niya maalala na nabundol siya, dok?" May bahid ng pag-alala ang boses ng nanay.

"Nagka, minor-hemorrhage kasi sa loob ng ulo niya kaya may temporary amnesia siya o kung tawagin ay short-term memory loss."

"Amnesia? Bakit kilala pa niya ako?" Sagot naman ni nanay.

"Ang hindi lang niya maalala ay iyong mga huling sandali bago siya nabangga, iyong mga iniisip niya bago naumpog at naapektuhan ang part ng brain niya which is the cerebral cortex that is located in the frontal lobe of the brain."

"Ganoon ba, pero babalik pa ba ang alaala niyang iyon?"

"Hindi natin masasabi. Pero may possibility rin na hindi na niya iyon matatandaan."

Malungkot na napatingin saakin si nanay, "Anak, sino bang iniisip mo sa mga oras na iyon?"

Pilit kong inalala pero wala talaga. "Hindi ko po matandaan, nay."

"Alam mo bang 1 week and 2 days kang tulog, iha? Ngayon ka lang nagising." Salita ng doktor.

Namilog ang mata ko. "Ano?! B-bakit hinayaan niyo akong matulog ng ganoon katagal. May trabaho ako, ano na lang ang sasabihin ko sa boss 'kong insik."

"Iha, matindi ang nangyari sayo. Maraming dugo ang nawala sayo."

"Pansin ko nga, isang linggo ba namang tulog." Napalabi ako.

Napatingin ako kay nanay na bakas sa mukha ang pag-alala. "Nay, umuwi na tayo. Ang tagal ko na palang nandito wala tayong perang pambayad."

"All your bills are already paid." Biglang singit ng doktor.

"A-ano po?" Nagsalubong ang kilay na tanong ko.

"Mr. & Mrs. Delgado saved your life, and they also paid all your bills."

Napanganga ako.

"P-po? Nagbibiro ka lang, dok. Diba?"

Natawa ng mahina ang doktor. "Hindi, iha."

Natutop ko ang sariling labi. "B-bakit nila ginawa iyon? At sino po ba sina Mr. & Mrs. Delgado?"

"They save your life, si Mr. Delgado ang nadala sayo rito."

"H-huh? Siya ba iyong nakabangga saakin?"

"No, iha."

"Hindi ko maintindihan." Bigla na namang sumakit ang ulo ko.

"Nurse, turukan siya ng pain reliever."

Biglang may hinugot ang babaeng nurse at itinurok iyon sa braso ko.

Unti-unti namang nawawala ang sakit na nararamdaman ko, "Dok, matindi ba ang damaged sa utak ko?"

"Hindi naman, iha. Kaya sumasakit iyang ulo mo ay dahil hindi pa fully healed ang bungo mo."

"Kaya pala." Ani ko.

"Oh, sya. Aalis na ako, ipatawag niyo lang ako kung may gusto kayong itanong o kung may mangyari man. Okay?" Salita ng doktor.

"Sige, dok. Salamat." Sagot ni nanay.

Ngumiti muna siya bago niya kami nilisan. Kami nalang ulit ni nanay ang naiwan.

"Anak, kilala mo pa ba si Christie?"

"Opo, bakit?"

"Mabuti naman. Alam mo bang nakakulong na ngayon si Christie?"

"Bakit naman?" Walang gana kong tanong.

"Iyong anak niya, si Keith." Biglang lumakas ang tibok ng puso ko pagkarinig sa pangalan na iyon.

"Bakit?"

"Hindi pala niya tunay na anak si Keith, ninakaw niya pala ang batang iyon. Siya mismo ang nagsabi sa mga magulang ni Keith na hindi niya ito totoong anak."

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. "Tapos?"

"Hayun, nasa kulungan na si Christie. Anak mayaman pala itong si Keith."

"Huh?" Naguguluhan na talaga ako.

"Anak pala siya ng isang Delgado, iyong tumulong sayo."

Umasim ang mukha ko.

"Nay, sino ba ang mga taong iyan?" Napakamot ako sa ulo.

"Sino ba iyang sina Mr. & Mrs. Delgado?"

Napahinto ako.

"At... sino si Keith?"

The Ruler Has Returned (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon