-5-

13 0 0
                                    


"Talaga tayo na? Sinasagot mo na ko? " gulat niyang tanong habang hawak ang mga kamay ko. Magkatabi kaming dalawa dito sa park, nakaupo sa damuhan at nilalasap ang malakas na hanging yumayakap sa amin.

"Oo nga tayo na! " natatawang sabi ko naman sa kanya.

Tumayo siya bigla at nagtatalon. Parang tanga na sigaw nang sigaw, "Kami na! Sinagot na ko ni Shishi! "

Tumatawa lang naman ako kahit na medyo nahihiya dahil sa pagtingin ng mga tao sa gawi namin.

Ito na yata ang pinakamasayang birthday ko. Dahil finally? After so many years kami na! Ako at si Carlos ay magkarelasyon na!

Hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon. Ang araw kung saan naging kami, officially naging kami na. That time we're not just a friends, a bestfriends but we are also a lovers, I am his girlfriend and his my boyfriend. Ang saya. Sobrang saya dahil finally matatawag ko na rin siyang boyfriend ko.

"Uhm...nakakahiya, 'wag na lang kaya tayong mag-date? " Sanay man akong lumalabas kami noon nahihiya pa rin akong ginagawa na namin ngayon ni Carlos ang bagay na 'to. Siguro dahil naninibago ako lalo na ngayon na napakahigpit ng hawak niya sa kamay ko. Paminsan-minsan di'y umaakbay siya sa'kin.

"Bakit kinakahiya mo ba 'ko? "

"Hoy hindi a! Ano lang...nahihiya lang ako, " napatungo ako matapos sabihin ang mga 'yon. "Naiilang pa rin kasi ako, " dagdag ko pa.

"Bakit ka naman mahihiya? Ikaw nga ang pinakamagandang babae na nandito e, at isa pa hindi ka dapat mahiya dahil kasama mo ang gwapong lalaki na 'to, " sabi niya pa sabay turo sa sarili.

Friend of Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon