Third Person's POV
Si Charm Valles ay isang fourth-year high school na top 1 lagi sa klase. Kung sa iba, isa syang nerd. Pero hindi naman dahil na nakasuot ito ng salamin kundi sa suot nitong mukhang manang. Mabait naman siya at maganda kung inaayos ang kanyang pananamit. Ang nerd na ito ay may lihim na pagtingin pala sa isang lalaking alam niya, na kahit kailan ay hindi siya papansinin.
Si Lance Ashton, isa ring fourth-year high school. Siya ang MVP ng campus nila. Matangkad, matipuno, guwapo, matalino, mabait at lahat na ng gusto ng isang babae sa lalaki ay nasa kanya na, siya rin ang nagugustuhan ni Charm. Alam ni Charm na hanggang tingin lang siya kay Lance. Mapapraktis man o tournament ni Lance ay nandun siya, ngunit ni iisang iglap lang ay wala siyang nakikita na galing kay Lance dahil may iba itong gusto. Wala naman siyang panama doon. Siya ay isang nerd, yung isa naman ay isang diyosa.
Naalala niya noong nagtapat siya kay Lance. Nasaktan siya noon. Tanging ang mga salitang binitawan ni Lance sa kanya ay ang dahilan kung bakit siya nasaktan ng sobra. "Di kita maaaring magustuhan. passenya ka na pero may iba na akong mahal." Pakiramdam ni Charm ay nahati dahil sa narinig niya. "Masakit pala, lalo na kung nanggaling mismo sa kanya." usisa niya sa sarili. Mas lalo pa siyang nasaktan sa kanyang nakita. Isang matangkad na babae na ubod ng ganda ang lumapit kay Lance. Ipinilupot niya sa braso ni Lance ang kanyang braso at hinalikan ito sa pisngi. Hindi lamang si Charm ang nagulat kundi pati si Lance ay hindi makapaniwala sa ginawa ng babae. Tiningnan ni Lance si Charm at nang nakita niyang tumulo ang luha nito at bakas ng sakit sa kanyang mga mata any nalungkot din si Lance. Tumalokod na si Charm at tumakbong umiiyak pauwi.
Nakauwi na si Charm sa kanilang bahay at dumaretsyo lang ito sa kanyang kuwarto. Habang pinapatahan niya ang kanyang sarili ay tumayo siya sa harap ng kanyang salamin at tiningnan ang sarili at nagsalita. "Magugustuhan din niya ako pero sa panahng gusto na niya ako, siya naman. Siya naman ang paaasahin ko." Matapos niya sabihin iyon ay pununasan niya ang mga luha niya gamit ang kanyang panyo. Habang pinupunasan niya ang kaniyang mga luha ay biglang tumunog ang kanyang cellphone, nang sinagot niya yung tawag may nag salita sa kabilang linya "Charm, pasenya ka na sa nangyari kanina." alam ni Charm na si Lance iyon. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit ito humihingi ng paumanhin.
"Charm! Si Lance nandito siya!" Nakabalik sa realidad si Charm nang marinig niya ang boses ng kanyang kaibigang sumigaw. Tulad nang ipinangako niya sa sarili na magbabago na siya, at alam niya na hindi siya nagkamali sa kanyang desisyon. Si Lance, siya nanaman ang naghahabol sa kanya. Nalaman diin niyang matagal nang may gusto si Lance sa kaniya, kaya din siya humingi ng paumanhin kay Charm dahil ayaw niyang masaktan ito.
Bumaba na ang dalaga upang harapin si Lance. "Hi Charm. Bulaklak nga pala para sa iyo." sabay abot ng binata ng bulaklak. Hindi ito tinaggap ni Charm, sabay sabi niya ng "Pasensya ka na Lance. Di na kita gusto at may nobyo na ako." Kahit walang katutuhanan ang kanyang mga sinabi kay Lance ay yun nalang ang pilit niyang panindigan dahil ayaw na niyang masaktap pa muli. Pagkatapos ng sinabi niyang iyon ay tumingin siya kay Lance na may pagtataka dahil biglang may pumatak na luha sa mata niya. Ngunit hinayaan lang iyon ni Charm at naglakad ng walang lingon-lingon sa binata. Ang tanging narinig nalang niya galing kay Lance ay ang sinabi nito "Paasa lang."